By: Alyn Fate Villa
Ala-ala ng ating pagsasama
Bakit di ko makalimutan sinta?
Ano bang meron sa 'yo na wala sa iba?
Bakit ikaw parin yung hanap hanap ko kahit andiyan siyaNaaalala ko pa yung gusto mong bahay natin ay puno ng libro
Tapos sabi mo may kwarto din para sa mga make up ko
Tapos kwarto natin soundproof para safe pag nag versace on the floor tayo
Nakakatuwa dahil sakin mo pa dati pinangarap marinig yung apelyido moKamusta ka na ba?
Masaya ka na?
Masaya ka na ba sa kanya?
Diba sabi ko kukunin kita pag pinaiyak ka niya? Pero bakit di ko kaya?Di ko kaya kasi di na nga pala ako sigaw ng puso't isip mo
Di ko kaya kasi magmumukha lang akong tanga
Di ko kaya kasi para na akong tangang pinagsisiksikan sarili ko sa taong di marunong tumingin ng halaga
Ganun ka ba naging ka manhid dahil sa ginawa niya?Mahal naalala mo pa ba?
Sabi mo di mo ako iiwan para sa iba?
Naaalala mo pa ba yung masayang ala-ala nating dalawa?
Yung pangako na ang isa't isa ang ihaharap natin sa dambana?Bakit ka sumuko?
Bakit iniwan mo ako para sa isang taong hindi naman makita halaga mo?
Andito lang ako oh
Naghihintay parin na mahalin mo ulit akoAla-ala nalang ba?
Larawan nalang ba nating dalawa panghahawakan ko sinta?
Bakit ka bumitaw sa pagmamahal ko para sa kanya?
Sa kanya na kaibigan lang ang turing sayo at may ibang mahal naMahal, naaalala mo pa?
Sobrang saya mo nung sinagot kita
Naaalala mo pa yung pagsigaw mo sa madla?
Diba pangalan ko andun at hindi kanya?Pero bakit biglang pangalan na niya
Biglang pangalan na niya ang sinisigaw mo sa madla
Pangalan na niya ang nagpapangiti sayo sinta
Hanggang ala-ala nalang ba pagmamahalan nating dalawa?Mahal masakit na alam mo ba?
Masakit din na makita kang nasasaktan dahil sa kanya
Masakit na yung dating saya sa iyong mata ay naglaho na
Naglaho na ang saya dahil napalitan ng lungkot na dulot niyaWala eh siya mahal mo
Siya na mahal mo at hindi na ako
Ano pa magagawa ko?
Tatanggapin ko nalang ang desisyon mo kesa magmukha akong tanga kaka-asa na babalik ka pa sa piling koAla-ala nating nabuo
Ngayon ay ala-ala niyo nang dalawa
Pangarap natin na binuo
Sabi mo tutuparin mo parin yun, pero sa iba na.Mahal salamat sa mga ala-ala
Dati lang ay magkasama tayo sa lungkot at ligaya
Gusto man kitang bawiin sa kanya at magsimula ulit ng bagong ala-ala
Pero hindi ko magawa dahil sa kanya ka na masaya.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡