By: Alyn Fate Villa
Yun ang laging tanong ng puso
Kung minahal mo nga ba talaga ako
Kasi kung minahal moko bakit kailangan mong sumuko?Mahal, isang tanong isang sagot. Minahal mo ba talaga ako?
Bakit ang bilis mo yata magbago?
Bakit biglang iba na ang gusto mo?
Ano ba naging parte ko sa buhay mo?Mahal, hindi mo ba namimiss yung mga tawanan natin?
Hindi mo ba naaalala yung mga pangako mo sakin?
Diba nangako ka na ako lang ang iyong mamahalin?Diba may pa tayong bubuuin magkasama?
Diba pangarap nating makapunta sa ibat ibang bansa?
Hindi mo ba naaalala?
Nangako kang magpalakasal tayong dalawaBakit kailangan mokong iwan mag isa?
Sumusuko ka na ba sa laban na dapat tayong dalawa?
Paano na yung mga pangarap natin? Tutuparin ko nalang ba yun mag isa?
Hahayaan mo nalang ba na ako lang ang lumalumaban para sa ating dalawa?Mahal sana malaman mong ikaw parin
Ang laman netong puso't damdamin
Di ko man maamin
Pero ikaw parin talaga ang sinisigaw ng puso't damdaminSaan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sobra
Pero sa huli ako rin pala ang magdurusa
Minahal naman kita ng sobra, pero hindi ko alam kung ganun ka din ba
Siguro nga aasa nalang ako, aasa nalang ako sa walaMinahal mo ba talaga ako?
Oh ipinagmayabang mo lang sa tropa mo na kaya mong makuha ang tulad ko?
Siguro ganun nga, pagbati para sayo
Ang galing mo, nakuha mo nga ang gusto mo at nakuha mo pang paiyakin akoAlam mo, hindi naman ako nararapat para dito
Pero hindi ko alam bakit sayo nahulog ang loob ko
Bakit sa dagat mo pa ako nalunod at hindi na makaahon pa dito
Mas lalong hindi ko alam kung anong gayuma ginamit mo at hanggang ngayon hinahanap hanap ko parin alaala mo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡