By: Alyn Fate Villa
Susuko na ba? O lalaban pa?
Sabi ng utak ko, sige pa laban pa
Pero sabi ng puso ko, tumigil ka na, kasi nasasaktan ka naTalo ka na dahil iba na mahal niya
Talo ka na kasi binasura niya na mga masasaya niyong alaala
Talo ka na kasi hanggang ngayon umaasa ka pa
Pakisabi pasensiya ha? Pansensiya kung di pako sapat para sa kanyaAyoko na sigurong ipagpatuloy pa to
Pagod nako, gusto ko ng sumuko
Pagod nakong umasang babalik pa siya sa piling ko
Pagod nakong lumaban para sayoSumusko nako, dahil pagod nako
Sumusuko nako kasi hirap na hirap nakong bumangon sa dagat mo
Nalunod na ako ng sobra sa paniniwalang mahal mo ako
Suko nakoMahal ko, ngayong masaya ka na
Wala nakong dapat ipaglaban pa
Wala nakong dapat iasa
Wala nakong karapatan para guluhin ka paSana balang araw mahanap ko yung taong kaya akong intindihin
Sana balang araw mahanap ko yung taong handa akong mahalin
Sana mahanap ko yung taong sa katotohanan ako lulunurin
Sana balang araw makaahon ako sa pagkakalunod sa dagat mong kahit sino kayang lunurinMahal, masaya ako para sayo
Tinupad ko pangako ko
Yung magiging masaya ako para sayo kahit pa masakit para sakin ito
Yung pangakong ikaw lang mamahalin ko, oo tinupad ko yun kasi hanggang ngayon di parin ako makaahon sa dagat ng pag ibig mo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡