By: Alyn Fate Villa
(With the help of a friend)T- tayong dalawa pinaglayo ng tadhana
A- ako na nasasaktan parin sa paglayong iyong ginawa
D- dadalhin lahat ng sakit at poot na iyong ginawa
H- handa na akong kalimutan ating mga ala-ala
A- ako, ikaw, tayo. Tayong dalawa ang pinangarap kong magkasama sa harap ng dambana
N- nanamnamin ko hanggang sa huling pagkakataon ating masasayang ala-ala
A- aamin kong hindi ko parin kayaMahal, ano pa nga bang magagawa kung mismong tadhana na ang sumuko sa ating dalawa
Ano pa nga ba ang silbi ng paglaban nating dalawa kung wala naman na
Ano nga ba ang dapat gawin para sumang ayon sa atin ang tadhana
Tadhana, tadhana, tadhana tigilan mo na ang paglalaro sa buhay ko dahil ang sakit sakit naBakit? Bakit kailangang ako pa yung masaktan?
Bakit ako yung laging naiiwan?
Bakit ako yung laging nahihirapan?
Bakit ako yung laging kinakalimutan?Tadhana nga ba ang sumuko? o baka naman ikaw? o ako? o tayo?
Tadhana na lamg ba ang sisisihin sa lahat ng 'to?
Bakit kailangan mo kasing sumuko?
Ano pa mga naging pagkukulang ko? Binigay ko naman lahat ng kaya ko.Siguro nga kailangan ko ng kalimutan
Ang mga ala-alang iyong iniwan
Mga ala-ala ng problema na sabay nating nalutasan
Mga ala-ala at pangako ng ating pag iibiganSalamat, salamat sa lahat lahat ng ala-ala
Salamat sa panandaliang saya
Salamat dahil dumating ka
Salamat pa rin kahit lumisan ka na, dahil may mga aral akong natutunan sa ating pagsasama.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡