'PAGDATING NG PANAHON'

54 0 0
                                    

By: Alyn Fate Villa

Pagdating ng panahon...
Ikaw parin kaya at ako?
Ako parin kaya ang laman ng puso mo?
Matutupad kaya natin ang ating mga pangako?
Hanggang sa huli ba talaga tayo?

Baka kasi bigla ka nalang sumuko
Baka kasi biglang 'di na ako
Baka biglang magbago ang isip mo
Baka biglang ayaw mo na sa ganito

Pasensiya na, 'di ko lang talaga maiwasang mapaisip ng ganito
Pero tatanda kaya tayong magkasama? Minsan napaisip ako
Baka kasi hindi ka sigurado
Baka kasi biglang isang araw iba na mahal mo

Pagdating kaya ng panahon masaya ka parin sa piling ko?
Pagdating kaya ng panahon ganito parin kaya tayo kasaya?
Pagdating ba ng panahon ganito parin tayo?
Pagdating ba ng panahon na hindi mo na kaya susuko ka ba?

Mahal wag naman sana
Wag naman sana dumating ang panahon na magsawa ka
Pero pag dumating man yun sana alalahanin mo kung paano tayo nagsimula Kung paano mo ako minahal at kung paano tayo sumaya sa piling ng isa't isa

Sana di ka magsawa
Sana maalala mo kung paano mo isigaw ang pangalan ko sa madla
Sana maalala mo kung paano nabuo ang pagmamahalan nating dalawa
Sana wag dumating sa puntong sawa ka na

Pagdating ng panahon, sana sabay tayong tumanda
Sana tayong dalawa na
Sana pagdating ng panahon tayong dalawa sa iisang bahay kasama ang ating nabuong pamilya Sana nga... sana tayo nalang dalawa

Sana tayo nalang dalawa ang magksama
Sana tayong dalawa nalang yung bubuo ng pamilya
Kaso nasa iba ka na nga pala
Nasa kanya ka na nga pala at masaya...

Ganyan din sana tayo kasaya
Kaso bigla ka nalang nagsawa
Nagsawa sa kung anong meron tayong dalawa
Nagsawa ka na ng tuluyan sa ating dalawa

Di mo na ata naaalala kung gaano tayo kasaya
Kung gaano natin kamahal ang isa't isa
Kung paano natin pinangarap ang magiging buhay nating dalawa
At kung paano ka nangako na ako lang at wala ng iba

Pagdating ng panahon makakakita rin ako ng hihigit sayo
Makakahanap rin ako ng taong kaya ring ipagsigawan sa madla ang pangalan ko Makakakita rin ako ng taong kayang higitan ang mga nagawa mo
Pagdating ng panahon makakakita rin ako ng taong mamahalin ako ng totoo at higit pa sa pagmamahal mo

Pagdating ng panahon makakalaya rin ako sa sakit na dulot mo
Pagdating ng panahon makakatingin din ako sa mga mata mo ng wala ng sakit at puot sa puso ko
Pagdating ng panahon makakangiti rin ako ng totoo
Pagdating ng panahon magmamahal rin ulit ako kahit pa dati nasaktan mo ako

Mga Tulang NilikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon