"Sino nga ba talaga sa amin?"
By: Alyn Fate Villa
*DEDICATED*
Mahal, sino nga ba talaga?
Sino nga ba talaga ang gusto mong makasama? Ako ba o siya?
Mahal, bakit di mo pinaalam na nakita at nakasama mo siya?
Bakit di mo pinaalam, dahil igagalit ko ba?Mahal, handa naman akong magparaya para sainyo
Pero ako parin ang iyong gusto makasama sa habang buhay sa tabi mo
Pero mahal, mahal ka pa niya Hindi ko naman kayang magpakasaya sa piling mo
Dahil alam kong may masasaktan akoDi ko maalis sa isipan na parang walang tayo sa mundo niyo
Di ko maalis sa isipan ko na parang walang tayo pag magkasama kayo
Alam kong di mo pinapaalam sa kanya dahil sa kalagayan niya eh pano naman tayo?
Mahal, sana naman intindihin niya na wala na kayo at ako ang napili moMahal, di ko maalis sa isipan na parang kinakahiya mo ako pag kasama mo siya
Mahal bakit ba? Bakit ganun nalang kung itago mo ako sa kanya
Nakita ko mga litrato niyo tila'y kaysaya mo kapiling siya
Mahal handa naman ako magparaya ikaw lang tong ayaw bumitaw pa.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡