Pagbuhos ng mga luha

40 8 0
                                    

By: Alyn Fate Villa
Title Credits: FatimaRagay

Nakikita mo ba siya?
Sa unang tingin sobrang saya niya
Pero di mo alam sa likod ng ngiting yan ay isang maskara
Di mo lang nakikita pero sa gabi grabe bumuhos ang kanyang luha

Akala mo lang masaya siya
Di mo ramdam ang kalungkutan sa kanya
Sa unang tingin parang wala siyang problema
Pero pag inalam mo buong pagkatao niya ang lalim pala ng pinang-huhugutan niya

Magugulat ka sa pinagdadaanan niya
Magugulat ka pano bumuhos ang luha sa kanyang mga mata
Hindi niya lang pinapakita
Pero sa likod pala ng masaya niyang aura ay mapapait na luha

Sobrang saya niya no?
Wag kang maniwala, sobrang lungkot niyang tao
Magaling magbalat kayo
Akala mo masaya, pero sa likod ng tawa ay luhang tumutulo

Minsan natatakot siyang maging masaya
Kasi baka bukas, makalawa malungkot nanaman siya
Pag nakilala mo siya, di mo alam kung totoo pa ba yung tawa niya
Bibilib ka sa sobrang tatag niya, bibilib ka dahil kaya niyang magpasaya kahit siya mismo malaki ang problema

Pahalagahan mo siya
Minsan nalang may kagaya niya
Yung iba kasi di na kinakaya
Pero siya pilit nagpapakatatag para sa mga taong nagpapahalaga sa kanya.

Mga Tulang NilikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon