02

11.1K 325 23
                                    

Era's  P O V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's  P O V

Nakatayo lamang kami sa pintuan ng bahay. Ako, si Serenity at si Loreal. Sinamahan niya kami, kasi siya ang magpapaliwanag at magpapaalam para saamin. I don't even know how she convinced me to come with her.

Pinag-usapan namin kanina kung anong dapat naming gawin.

"Why don't we just erase their memories?"

"Paano mo naman gagawin 'yon Loreal? 'wag mo sabihing buburahin mo kami sa mga ala-ala nila?"

"Well... yes, if I was much stronger I could replace their memories instead. But since I'm not, the only thing I can do is erase it. I'm sorry."

"Kung ganon, hindi 'yon ang gagawin natin. Magpaalam nalang tayo ng mabuti, I know they'll understand."

"Of course they will, Era."

Sa huling sinabing yon ni Serenity ay nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong pa. Nagtulakan naman kaming dalawa ni Serenity sa kung sino ang kakatakok sa pinto.

"Anong ako? Dapat ikaw kasi ikaw ang anak! Pamangkin lang ako."

"Bakit ako? Dapat ikaw kasi mas nakakatanda ka!"

"Kung makatanda ka naman! I'm just two months older than you!"

"Edi mas matanda kaparin saakin! Ang bobo mo naman! Kahit pa twelve years 'yan kung mas una kang niluwal sa mundo kesa saakin, mas matanda ka!"

"Maka bobo ka naman! Parang 'di ako mas matanda kesa sa'yo!"

"Oh edi inamin mo rin na mas matanda ka!"

Tumikhim naman si Loreal at parang puno ng tanong na nakatingin sa pinto ng bahay namin."Ganyan ba talaga katahimik ang bahay niyo?"

Nagkatinginan naman kami ni Serenity. Dahil sa sinabing 'yon ni Loreal ay ako na ang kumatok.

"Mama? Papa?" Tawag ko sakanila habang marahan na kumakatok sa pintuan.

"Baka naman umalis ang mga magulang mo, Era?" Tanong naman ni Loreal.

"Wala naman silang sinabi na aalis sila, ang sabi lang ay may bisitang dadating." Sagot ko habang patuloy na kumakatok, "Mama, Papa? Si Era po 'to at si Serenity. May ipapakilala po kami sainyo!"

Ngunit wala paring sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto.

Si Serenity naman ulit ang kumatok. "Tita? Tito? Ayaw niyo po ba kaming pagbuksan? Hello? Ano bang" Serenity tried twisting the door knob and it clicked indicating that it wasn't locked.

"Bakit bukas 'to?" Tanong niya sa hangin. Parating nilo-lock nila Mama at Papa ang pinto sa tuwing aalis kami at sila nalang ang natitira dito.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon