04

9.1K 281 14
                                    

Era's  P O V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's  P O V

Ngayon ang araw ng pag-alis namin papunta sa Mysticon Academy. Nakatulog naman kami kagabi sa bahay nina Serenity at nakilala ko narin sina Tito at Tita.

I can't believe that small door is the entrance to this Village. Ang gaganda ng mga bahay, and I could see pots and potions, and even spell books.

"Mag-iingat kayo ha? Tatandaan niyo, kahit anong mangyari ay wag na wag kayong kakausap ng 'di niyo kilala." Pang ilang beses ng bilin ng Mama ni Serenity na si Tita Anna.

"Hon, tama na. Pang ilang beses mo na 'yang pinapaalala sakanila, naririndi na ang mga bata sa'yo." Nakangiting iling naman ng Papa ni Serenity, si Tito Anton.

They're so sweet, I can't help but remember Mama and Papa. Kahit parati silang nagbabangayan ay alam mo namang mahal nila ang isa't-isa.

Napahawak ako ulit sa ngayon ay suot ko nang kwintas. This is the only physically available memory that they've left me, and I'll cherish this, aalagaan ko ito.

Hinatid nila kami hanggang sa harapan ng Merveille Essence. I could see dragons flying from every direction.

"Anong dragon ba ang sasakyan natin?" Abot langit ang ngiti ko dahil sa excitement.

"The Dragon Train, since we're going to Mysticon Academy." Nanunudyo ang ngiting sagot ni Loreal pero kay Serenity nakatingin.

Nakita ko namang namutla si Serenity at mabilis siyang niyakap ng kanyang Mama at Papa. "Mag-iingat ka do'n anak, at wag na wag mong pababayaan ang pinsan mo."

Kahit nanginginig sa takot dahil sa dragon ay nakuha paring ngumiti at tumango ni Serenity. "Wag kayong mag-alala Ma, Pa, ako na ang bahala kay Era."

Tumango sila at binalingan naman ako at niyakap rin."Ipagdarasal ka namin kay Goddess Selene, Era. Gagawa narin kami ng paraan para makatulong sa paghahanap sa kapatid ko." Nakangiting tugon naman ni Tita Anna na tinanguan ko lang at pinasalamatan. Siya pala ang kapatid ni Papa, kaya naging mag pinsan kami ni Serenity.

Looking around I could see people my age, also saying goodbye to their loved ones. Some looked sad and some looked happy and excited, like their life will officially start. But, there's someone I didn't see. "Teka, nasaan ang lola mo Serenity? We should also say goodbye to her."

"Oo nga noh, kanina ko pa hindi nakikita si lola." Sabi niya at lumingon-lingon. "Baka naman may pinuntahan lang mga anak." Sagot naman ng Mama niya na ikinatango naming dalawa.

Naputol ang pag-uusap namin ng biglang may kung anong nilalang ang lumipad sa kalangitan. Napahawak kami sa isa't-isa nang lumikha ng nakakatangay na hangin ang paglipad nito sa aming harapan.

Its feet landed and so did the train behind it, but it didn't create a single noice and landed so smoothly na para bang walang bigat.

Manghang-mangha at nakaawang ang labi ko itong tinitigan. Kulay asul at napakalaki, ang mata naman nito'y maihahalintulad sa lumulubog na araw ang kulay. Napatingin ako sa lubid na nakasabit sa kanyang leeg, nagmimistulang harness. Sa lubid nakakabit ang isang napakataas at napakalaki ring tren na para bang walang katapusan.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon