25

5.5K 200 25
                                    

TANGING tunog lamang ng mga kubyertos ang namayani sa malaking hapagkainan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TANGING tunog lamang ng mga kubyertos ang namayani sa malaking hapagkainan namin. Hindi ako makapagsalita sa aking Ama sapagka't alam kong malalaman nyang may ginawa nanaman akong hindi maganda. Kilalang-kilala nya kasi ako. Paano banamang hindi eh kami lang halos magkasama rito.

"Ethelia?" Pagtawag pansin nya saakin.

Kagaad ko naman syang tinignan. "Po?" Nakangiting sabi ko.

Matalim nya akong tinignan kung kaya't napalunok ako. "May ginawa kananaman ba?" Oh, diba? Anong sabi ko?

Mabilis naman akong umiling-iling. "Wala po!"

"Kung ganon, bakit napakatahimik mo? Hindi kanaman ganyan." Pagsusuri naman nya.

Peke naman akong tumawa. "Wala naman ho kasi akong sasabihin."

Bumuntong-hininga naman sya. "Galit ka parin ba saakin? Dahil pinagbawalan kitang lumapit sa pader? Alam mo naman kung anong nangyari sa 'yong Ina—"

"Hindi po!" Pagputol ko sa sasabihin niya. "Hindi po ako galit! Talagang wala lang ho akong masabi." Nakangiting tugon ko naman.

Oo, Ama. Alam na alam ko kung anong nangyari kay Inay.

Ilang segundo nya naman akong tinitigan bago tumango. "Sigurado ka? Alam mo namang wala kang dapat itago saakin. Tayong dalawa nalamang, Ethelia."

Napalunok naman ako don. Kung sabihin ko kaya sakanya ang tungkol sa lalakeng nasa silid ko ngayon? Hindi naman siguro sya magagalit? Mukhang mabait din naman ang lalakeng 'yon, medjo mayabang nga lang.

Isa pa, hindi ko naman 'yon pinapasok! Ni hindi ko nga alam paano nakapasok ang dragon niya rito saamin eh at kung bakit nanggaling sya sa kwintas. Kung paano nya 'yon ginawa. Ibig sabihin, may lagusan nga talaga papunta sa labas!

Atsyaka, tatanungin ko ba si Ama kung bakit sinabi ng lalake kanina na delikado raw kami kaya kami nakakulong? Ibig sabihin tama ang sinabi ko kanina? Na nakakulong nga kami? Bakit hindi sinabi saakin ng aking Ama? Dahil totoo? Bakit naman nila kami ikukulong? Hindi kami masama!

Napailing-iling ako. Ano kabanaman Ethelia! Mas paniniwalaan mo pa talaga ang lalakeng 'di mo kilala kesa sa sarili mong Ama? Paano kung nagsisinungaling lang sya para makaalis? Ni hindi ko nga alam kung taga labas nga ba talaga sya. Paano kung masama sya at may balak sya sa kaharian namin? Hindi ko naman sya mapagkakatiwalaan!

"Ethelia?"

"Ethelia!" Napaigtad ako at bumalik sa realidad dahil sa boses ni Ama.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon