28

5.5K 184 36
                                    

A/N: Nagtinapulan nasad ko, as always! HAHAHAHA ay uy lami na kaayo ni humanon ba pero mag una jud ang pagka tapulan. Makalimot ko sahay naa diay ko story hehe, ge lang mahuman ra lagi ni. Thank y'all for those who are reading this story, ily all <3

"AT KAILAN MO PA AKO SINUWAY?!" Dumagundong ang boses ni Ama sa buong kaharian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"AT KAILAN MO PA AKO SINUWAY?!" Dumagundong ang boses ni Ama sa buong kaharian.

Binigay ko sakanya ang sulat na ipinabibigay saakin ng Ama ni Demeter. Hindi ko talaga alam kung ano ang nilalaman nito, ang tanging alam ko lang ay nakikipagkaibigan sila ulit. Binasa naman ng aking Ama ang sulat pero mukhang galit siya nilalaman non.

Hindi ba't maganda 'yon? Nang walang alitan sa bawat panig. Magiging matiwasay ang lahat. Walang agawan o awayan. Magkakasundo kami lahat.

Ang hindi ko lamang mawari kung bakit hindi maintindihan ng aking Ama na para ito sa ikabubuti ng kaharian.

"Bakit ba kayo nagagalit? Humihingi na nga ang Ama ni Demeter ng patawad at gusto niyang makipagkaibigan ulit." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi kaba nakikinig, Ethelia?! Hindi ko sila kalaban ngunit hindi ko rin sila kaibigan!" Bigong sabi ng aking Ama.

Wala akong nagawa kundi yumuko. "Mababait naman po sila, Ama." Mahina kong sabi.

"Sa tingin mo ba'y mas may alam ka kesa saakin? Matagal ko nang kilala ang Ama ni Demeter! Naging matalik ko syang kaibigan! Alam ko kung paano sya mag-isip! Ginagamit kalang niya! Nagpapakitang tao lamang siya!" Sigaw niya ulit.

Hindi ko na napigilan at tinignan ko na ang aking Ama sa kanyang mata. "Ang sabi nyo'y hindi dapat tayo manghusga! Paano kung nagbago na siya? Kung nagsisi na siya sa kung ano mang nangyari sainyo noon? Kaytagal na non, Ama."

"Pinagtatanggol mo pa ang iba kesa sa'yong sariling Ama?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Hindi sa ganon!" Kaagad kong sabi.

"Gusto mo ba ang lalakeng 'yon?" Tanong niya na ikinabigla ko. Ano?

"Anong kinalaman ni Demeter sa usapang 'to?" Nagtataka kong tanong.

"Alam kong hindi ka basta-basta makukumbinsi ng kanyang Ama. Siya ang nagkumbinsi sa'yo." Paghihinala niya.

"Wala syang sinabi saakin! Tinanggap ko ang sulat ng hindi labag sa aking loob dahil gusto ko ng kapayapaan." Sabi ko naman.

Nilapitan ako ng aking Ama, at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Alam ko kapag nagsisinungaling ka, Ethelia."

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon