08

7.8K 233 36
                                    

Era's  P O V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's  P O V

Maaga kaming nagising ni Serenity kung kaya't nagbasa-basa muna kami ng libro habang kapwa nakahiga sa naglalakihang sofa sa sala. Napatingin naman kasi sa kakabukas lang na pintuan ng isang silid.

"Good morning, Relani." Nakangiting bati naman ni Serenity. Bahagya naman akong nagulat dahil sa bait ng tono sa boses ni Serenity.

"What's good in the morning if your face is the first thing that I'm seeing? Atsyaka pwede ba? Don't act like we're friends because we're not." Mataray nitong sabi.

"Ang aga-aga ang sungit sungit mo." Sabi pa ni Serenity.

"Pakealam mo?"

"Alam mo, Relani. Wag ka masyado hot, no pun intended ha, baka kasi magka wrinkles ka." Tudyo naman ni Serenity. Inikutan siya ng mata ni Relani at nagdadabog na lumabas.

Tinignan ko naman si Serenity na ngayon ay nakangisi na. "Ano yon?" Tanong ko naman.

Nagkibit-balikat siya. "Kung ayaw mong awayin edi inisin mo nalang. Sabi nga ni Selena Gomez; kill 'em with kindness."

Napatawa naman ako dahil don. "Anong nakain mo?" Tanong ko.

"Actually, wala pa nga eh. Wala bang pagkain dito? Kanina pa tayo nagbabasa nitong libro eh, parang gusto ko nang kainin."

Napaigtad kami ng biglang may lumabas na liwanag sa harapan namin. "Ano yan? Diba yan yung liwanag na binigay saatin ni Healia kagabi?"

"Gusto atang sundan natin eh." Suhestiyon naman ni Serenity.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo nalaman?" Tanong ko. "Just a guess."

Nagkatinginan naman kaming dalawa bago namin napagpasyahan na sundan ang liwanag. Lumabas ito mula sa dorm at nagtungo patungo sa kung saan. Nakatingin lamang ako sa liwang kung kaya't 'di ko na namalayan ang akong dinadaanan.

"Aray!" Napahiga ako sa sahig nang may natapakan akong kung ano at nadulas.

May isang kamay naman ang tumulong saakin para makatayo. "Ang sakit ng likod ko!" Mahinang sigaw ko naman habang napapikit sa sakit.

"I'm sorry. I didn't see you there." Binuksan ko kaagad ang aking mga mata nang may di kilala akong boses na narinig. Isang gwapong mukha na nakangiti ang sumalubong saakin, he's literally towering over me. Ang taas naman pala niya kapag harap-harapan. Sa leeg niya lang ako banda eh.  At ang cute talaga ng dimples niya!

Napatingin naman ako sa dala niya, may dala-dala siyang mga libro at mukhang nahihirapan na siya.

Yumuko siya at kinuha ang librong dumulas saakin kanina. "I'm really sorry. Nahulog kasi ang mga libro, I was getting the others and didn't see this one in the way." Sabi niya sabay wagayway sa librong kakakuha lamang niya.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon