05

8.2K 258 13
                                    

(Cross ^ . Just imagine the mismatched eyes, cause i cant find a proper photo that i like.)

Era's  P O V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's  P O V

Pansamantala kaming pinatuloy ni Headmistress sa bakanteng chambers ng mga estudyante. Bukas panaman daw kasi ang entrance exam kaya may panahon pa kami para magpahinga o 'di kaya'y mag-ensayo.

Isang malaking silid ang chambers, ang lahat ng mga babae ay nandito at iisa, ang mga lalake naman ay nasa kabilang chambers. Double-decked ang mga kama dito kaya kasyang-kasya kaming lahat. Para kaming nag se-sleep over, magarbo ang desenyo ng chambers kaya 'di mo masasabing 'di ito maganda.

Kasalukuyang natutulog ang bawa't-isa sa chambers namin, ako naman ay nakahiga lang at nakatingin sa ibaba ng taas na bed sa double deck. Nasa taas ko si Serentiy na mahimbing nang natutulog.

"May pasabi-sabi kapang tutulungan mo akong mag-ensayo, pagkatapos, ikaw pa ang pinakaunang nakatulog sa lahat." Bulong ko sa'king sarili.

Nilibot ko ang paningin ko sa silid. Tama. Wala nga pala si Loreal. "Hindi ako sa chambers tutuloy, dahil di ako nabababagy do'n." Walang gana niyang tugon.

Mukhang hanggang ngayon ay di parin siya okay? Parang galit talaga siya saakin? Nagtanong lang naman ako, 'di ko naman alam na magagalit siya kaagad.

Napabuntong-hininga ako at napagpasyahang bumango. Dahan-dahan akong nagtungo sa pintuan ng chambers at walang ingay itong binuksan. Paglabas ko ay sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin sa labas.

Inilibot ko ang paningin at nagsimulang maglakad sa kung saan man ako dadalhin ng aking mga paa.

Napadpad ako sa likod ng Academy. Kung saan may isang malaki at mataas na puno at wide space.

"Tamang-tama lang para makapag-ensayo ako." Bulong ko sa sarili.

"Emerald!"

"Hi, Emerald!"

"You're gonna practice? With what? You don't even known what you can do."

Napaatras ako ng biglang lumitaw sa harapan ko ang tatlong magkakapatid.

"Anong?" I looked everywhere, "Paano kayo nakapasok dito?" I asked.

"Nung binuksan 'yung gate." Nakangiting tugon naman ni Tasha.

I fought the urge to roll my eyes. "Kasama ba kayo sa mga new students? Bakit 'di ko kayo nakita kanina?"

Natawa naman si Tasha. "Paano mo kami makikita? Nasa loob―"

"Shut up!" Sigaw ni Irish na ikinatahimik ni Tasha.

"Bakit ba hindi mo pinapatapos si Tasha magsalita, Irish?" Naiiritang tanong ko naman.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon