10

7.4K 238 19
                                    

Era's  P O Vー Mystique Leveling ー

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's  P O V
Mystique Leveling

Malakas na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana ang sumalubong saakin sa pagbukas ko ng aking mga mata. Wala sa sarili akong napatingin sa kawalan. Ilang araw na ang nakalipas mula nung muntikan na akong patayin ni Cross. Mabuti nalamang at 'di kami nagkita at nang mga kaibigan niya. 

Sa laki banaman ng Academy, ang malas ko naman kung magkrus pa uli ang mga landas namin.

Nakatulog na pala ako kakahintay kay Serenity kahapon dito sa sala. Ilang araw na rin niya akong 'di pinapansin. Atsyaka mamaya na pala ang Mystique Leveling, pero hanggang ngayon ay 'di parin niya ako pinapansin. Tinuturing niya akong parang hangin.

"Era, mabuti naman at nagising kana." Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses.

"Serenity." Sabi ko naman.

Napabuntong-hininga naman siya at lumapit saakin, she hugged me and smiled at me. "I'm sorry for ignoring you these past few days, Era. I was being immature. I was gonna help you talk with the Headmistress pero napag-alaman kong 'di pala siya basta-basta makakausap."

"Okay lang 'yun, Serenity. Pero believe me, I wasn't lying to you. And about the headmistress, I already know." Sabi ko naman.

Napa iling-iling naman siya saakin. "I know there are things that only you know, Era. Sorry for pushing you to tell me things." Nakangiting sabi naman saakin ni Serenity.

Tumango naman ako. "But I wasn't lying. Hindi ko talaga masasabi sa'yo kasi parang nawawalan ako ng boses everytime I try."

Mainam naman akong tinignan ni Serenity. "Well then, maybe it isn't time for me to know yet."

Tinignan ko naman siya. "You believe me?" Nakangiting tanong ko pa. She nodded, "Oo naman, ikaw paba?" Nakangiting sagot niya naman.

Nabaling naman ang tingin namin sa liwanag na biglang sumulpot sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Serenity nang patuloy itong umilaw. "The Mystique Leveling will start na." Sabi pa ni Serenity.

Akmang aalis na siya nang pinigilan ko siya. "Anong gagawin ko? I don't know how to control my ability, hindi pa ako nakakapag-ensayo ng mabuti. I'm still weak."

"Just go with the flow, Era. Kapag nandon ka na, malalaman mo rin ang dapat mong gawin. Your ability will guide you." Sabi niya at hinila ako para sundan ang munting liwanag na itinutungo kami sa kung saan.

Napalunok naman ako nang makarating kami. Ang galing! Nakabalik pa nga ako dito.

Nasa parehong platform kami kung saan ako muntikan nang patayin ni Cross. Ang kaibahan lang ay hindi na mga puno, talon, at bato ang pumapalibot sa platform kundi mga nagraramihang mga upuan. I can barely see where the row of seat starts.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon