07

8.2K 232 28
                                    

Era's  P O V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Era's P O V

MATAPOS ANG nakakapagod na entrance exam ng Mysticon Academy ay pinapasok na lahat ng mga nakapasang estudyante sa matayog at nagningning na puno ng ginto na gate ng napakalaking Academy.

Nagulat naman ang lahat ng pagpasok na pagpasok namin sa gate ay biglang naging gabi na. "Anong nangyari?"

"The real life timeline. Nakalabas na kasi tayo sa entrance exam dome kung saan parating umaga, pero kapag nakalabas na tayo ay umaayon na sa totoong oras nang mundo." Sagot naman ni Serenity sa tabi ko na tinanguan ko naman.

Napaigtad kami ng isang trumpeta nanaman ang tumunog at nagpatigil saamin sa aming kinatatayuan. Nagsilabasan mula sa kani-kaniyang mga portal ang miyembro ng student council, maliban sa lalakeng nakasagupa namin kanina.

"Welcome, new students of Mysticon Academy." Nakangiting tugon saamin ni Loreal na siyang ikinangiti ko rin.

Napahawak naman ako sa kwintas na iniwan saakin ni Mama at napabuntong hininga. Mama, Papa, nakapasok na ako.

"Bago kayo makapagpahinga sa kanya-kanya niyong mga silid ay magpapakilala muna kami." Sabi naman ng babaeng maikli ang buhok.

Ngumiti siya, "I'm Elyana Amethyst Alcyone, I control the element of Air."

"I control electricity, Healia Ryu Silva."

"Eunoia Loreal Cerveau, portal summoner."

"The injured one who isn't here today is Arzel Kai Zemlya, he controls the earth." Sabi naman ng babaeng si Healia.

"Hi everyone! I'm Keiji Yusei Voda and I control the element of Water." He smiled as his dimples show. Ang gwapo naman nito at mukhang mabait. Ito ang type ko!

Tinignan naman nilang lahat ang parang walang pakialam na si Cross. Tumikhim si Loreal at nagsalita, "I think you all know who he is?" Tanong ni Loreal na siyang tinanguan naman nila lahat.

May nagpataas naman ng kamay sa likod namin na siyang tinuro ni Loreal. "Do you have a question?"

"Nasaan ho si Arzel? Kanina nakita ho namin siyang sugatan, Is he okay?" Tanong naman ng babae.

Nagkatinginan naman kami ni Serenity. Loreal slightly smiled. "He's okay. Just resting." Maikling tugon niya.

I puffed air out of my chest. Mabuti naman kung ganon. May naramdaman naman akong mga matang nakatingin saakin kaya napalingon ako sa direksyong 'yon at nagtagpo ang mga mata namin ni Cross.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon