24

5.4K 199 25
                                    

LUMABAS ako mula sa aming matayog na kaharian na puno ng saya at galak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUMABAS ako mula sa aming matayog na kaharian na puno ng saya at galak. Isang napakagandang araw!

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng sariwang hangin at bati mula sa aming mga nasasakupan, binati ko naman sila pabalik nang nakangiti. Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan parati akong nakadungaw.

"Magandang umaga, Prinsesa Ethelia!"

"Magandang umaga rin, Celia!" Bati ko sa aking matalik na kaibigan at aking pinaka pinagkakatiwalaang handmaiden na si Celia.

"Iba ata ang ngiti mo ngayon? Anong nagyari at bakit parang napakasaya mo ata?" Tanong naman niya habang sinasamahan ako sa aking paglalakad.

"At bakit naman hindi? Tignan mo ang malakas na sikat ng araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang naggagandahang mga pulang rosas na nakapalibot sa ating kaharian. Hindi ba ito dapat ikatuwa?" Nakangiting tugon ko.

Tinignan naman ni Celia ang tinutukoy ko. Ang pulang mga rosas na nakapalibot sa aming kaharian ang tanging kasiyahan ko sapagka't hindi ko ito pinatubo gamit ang aking mahika, kundi gamit ang aking sariling kakayanan.

"Ngayon ko lang napansin. Bilib na talaga ako sa'yo prinsesa. Ano pabang 'di mo kayang gawin?"

Napatigil naman ako sa paglalakad, gayon din si Celia. "Teka, saan kaba pupunta?" Tanong niya naman na ikinatahimik ko.

Tinignan ko naman sya sa kanyang mga mata. Mukhang alam na nya yata ang ibig-sabihin non kung kaya't napabuntong-hininga sya. "Eto nanaman tayo."

Tinignan ko ang napakatayog at naglalakihang pader na nakapalibot sa aming kaharian. Ang sabi saakin ni Ama ay ito raw ang nag po-protekta saamin laban sa mga masasamang nilalang sa labas. Ang sabi niya, maraming malulupit na tao sa mundo kung kaya't nandito kami sa proteksyon ng pader namumuhay.

Wala mang kakulangan saamin sapagkat nabubuhay naman kami ng marangya, ay hindi ko parin maiwasang mag-isip.

Ano kaya ang mundong naghihintay sa likod ng pader? Ibang-iba kaya ito sa pamumuhay namin dito? O parehas lamang? May kagaya ko din kayang mga prinsesa? May mga kaharian din kaya?

"Hindi ko gusto ang 'yong iniisip, Prinsesa." Pagkuha naman ni Celia sa attensyon ko.

Tinignan ko naman sya. "Bakit? Ano bang iniisip ko, Celia?" Tanong ko naman.

"Alam mong bawal ang naiisip mo. Gagalitin mo nanaman ba ang 'yong Ama? Hindi ka na nga nya pinapalapit jan!"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunwari kong tanong.

Mysticon Academy: The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon