That Feelings
Written by RigidPrince05KIM'S POV
Habang nasa sasakyan ako pauwi galing school, diko maiwasan ang mapangiti sa inaasta ni Clark kanina saken. Napaisip din ako bigla kung ano ang gagawin ko. Kung anong ituturo ko sa kanya about ligaw-ligaw thingy. Diko nga naranasan maligawan. Ano kayang feeling nun?
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisip. May bigla agad pumasok sa isip ko. Alam ko na, bakit kaya hindi ako mag research? Siguro andun naman siguro lahat ng sagot sa katanungan ko. Anang nasa isip ko.
Nang biglang nagsalita si manong. "Iha maaari bang magtanong?"ang tanong saken ni manong habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada at duon lang ito naka focus.
"Pwede naman manong."ang nakangiti ko ring sagot na sumulyap pa sa kanya.
"Napapansin ko kase na ngingiti ngiti ka dyan habang may malalim na iniisip. Dahil ba sa lalaking yun?"ang sunod na tanong saken ni manong na sumulyap pa saglit at binalik din ang paningin sa pagmamaneho.
Napaawang ang bibig ko, diko alam ang isasagot ko. "Hindi naman sa ganun manong. May naiisip lang ako."ang napapahiya kong sagot.
"Mukhang may gusto sayo yun iha. Nanliligaw na ba sayo yun?"tanong ulit ni manong saken.
"Hu, pano niyo naman nasabe? Hindi po siya nanliligaw. Kaklase ko si Clark. Yun lang po yun."ang mahaba kong paliwanag kay manong. Gusto kong ipabatid sa kanya na mali ang iniisip niya.
"Hindi kase yun ang nakikita ko. Sabagay baka mali yung nasa isip ko. Pasensya kana iha."dagdag pa ni manong at napasulyap ako sa kanya. Mukhang seryoso siya.
"Ah wala yun manong."tipid kong sagot.
Bumalandra ulit ang katahimikan hanggang sa marating namin ang bahay. Agad naman akong umakyat sa kwarto at nagpalit ng pambahay na damit.
Bumaba ako ulit at nagtuloy sa kusina. Nakita ko si manang na nagluluto na ng hapunan. Binati ko siya agad at nagbukas ako ng reef at uminom ng malamig na tubig.
"Manang ano pong ulam."agad kong tanong kay manang habang umiinom ng tubig.
"Nagluluto ako iha ng ginataang munggo na may chicharon."sagot naman ni manang habang busy sa paghahanda ng sangkap sa lulutuin.
"Ginataang munggo? Bagong menu yun manang ah."pagtataka kong tanong.
"Oo iha gusto ko matikman mo yung isa sa paborito kong niluluto. Paborito rin yun nang isa kong apo na lalaki. Mga kasing edad mo rin yun."paliwanag ni manang.
"Lahat naman ng luto mo manang masarap eh. Teka may apo ka na pala manang. Tapos kaedad ko kamo? Angbata niyo naman po nagkaapo ng kasing edad ko."pagtataka kong tanong kay manang.
"Yung kaisa isahang anak kong babae din kase nabuntis ng maaga. Sa edad na dese otso anyos. Lumuwas siya ng america para mag DH kaso sa kasamaang palad na gustuhan ng amo niyang lalaki ayun nagkaroon sila ng secret affair. Nung nabuntis siya pinauwi siya ng amo niya para itago sa asawa nito ang pagbubuntis niya. Dito na siya nanganak,.nung una sinusuportahan siya kaso katagalan nawala nalang ng bigla yung lalaki hanggang sa hindi na nagparamdam ito." Ang mahabang kwento ni manang saken habang nagluluto na. Gusto ko man tumulong pero pinigilan ako ni manang.
"So ibig mong sabihin manang. Half american yung apo niyo?"tanong ko kay manang.
"Oo iha. Gwapo ito, matangkad at higit sa lahat mabait."sagot naman ni manang na halatang proud siya sa apo niya.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Teen FictionDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...