That Feelings
Written by RigidPrince05THADDEAUS CLARK POV
"Huy!"tawag ko sa kanya. Nilingon niya naman ako."Bawal ka dito. Sa mga gwapo lang to, tulad ko na snob sa personal!"ang mayabang kung tugon.
"ANO?!" sigaw niya.
"Bawal ka dito. Sa mga gwapo lang to, tulad ko na snob sa personal!"inulit ko pang sabe na pasigaw rin.
"Tigas ng mukha. Unulit pa. Pfff!"sagot niya naman. Napatawa naman ako sa inasta niya.
Diko alam kung anong meron sa babaeng to. Pag naiinis siya mas natutuwa ako. Pero pag nagpapacute siya naasar ako.
Katulad kanina, tinanong niya ako. Kung pwede na ba daw kami maging friend? Diko alam kung bakit naiinis ako sa tanong na yun. Wala namang dahilan para mainis ako. Kusa ko lang naramdaman. Anyways diko alam talaga ang isasagot ko.
Hindi naman sa ayaw ko siya maging friend. Pero ayoko talaga. Anggulo! Ah basta ayuko! Sa gwapo kong to? Snob kaya ako sa personal kaya snob siya saken. Seenzoned o snobzoned?
Bigla siyang lumapit saken. "Ano balak mo, ha? Kala ko ba nagpasama ka para mamili ng bulaklak at ano pang anik anik para sa nililigawan mo?"sumbat niya saken ng makalapit.
Umiwas ako ng tingin. "Maaga pa naman ah."sagot ko naman.
"Kahit na. Hindi naman pamamasyal pinunta natin dito eh. Kaya tara na. Kung saan yung mga peykyung mga bulaklak na yun."ang mataray niyang sabe. Sabay hila sa kamay ko. Napa kislot pa ako sa ginawa niya.
Makahawak naman to. Parang wala lang sa kanya. Manhid ba to? hindi naman kami magshota para maghawakan ng kamay. Tsaka lalaki ako, wala man lang delikadesa. Tao ba to?
Pero imbes na suwayin ko siya hinayaan ko nalang. Napa isip ako. Sa gwapo kong to? Aba! Ang swerte niya nahawakan niya kamay ko. Snob kaya to sa personal.
Naglalakad na kami pabalik ng kotse ko. "Oh san tayo?"tanong niya agad pagkarating namin.
"Lakarin nalang natin. Dyan lang naman yun eh. Dun sa may flowers farm."suhestyon ko pa. Tinanaw niya naman yung tinuro kong lugar.
"Ah okey"sagot niya. At nagbitaw ng kamay sa pagkahawak saken at nagpatiuna sa paglalakad.
Kaya ko nga sinabe na lakarin nalang namin para matagal pa kaming magkahawak kamay. Kaso nauna pa siya. Ano bang nangyayare saken? Diba si kath ang mahal ko?
Nang makarating na kami sa mismong Flower shop. Kitang kita ko kung paano siya nagtatalon sa mga nakikita niyang nag gagandahang bulaklak.
"Wow! Clark oh, ang ganda!"bulalas ni Kim at sabay turo saken sa mga kumpol kumpol na mga magaganda at sariwang bulaklak sa harap namin.
Nakangisi lang ako sa nakakatawang reaksyon ni kim. Para siyang bata na niregaluhan ng bagong damit. Tuwang tuwa.
Agad namang may lumapit sa amin na babae na mukhang siya yung nagbabantay ng flower shop.
"Magandang araw po ma'am Sir. Nais niyo po ba bumili ng bulaklak? Perfect po ang mga ito sainyo. Bagong deliver lang po ito. Fresh pa po from the farm."paliwanag ng tindera sa amin.
"So hindi niyo po ito tanim mismo?"pagtatakang tanong naman ni kim.
"Yung iba po mam galing din mismo sa farm namin. Kaso yung iba galing pa po ng baguio. Karamihan po kase ng bulaklak namin sa malalamig na lugar lang tumutubo."
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Teen FictionDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...