Part 29

15 9 0
                                    

That Feelings
Written by RigidPrince05

KIM LEIGH's POV

Sana naman matahimik na si Jamaica. Ewan ko nalang kung ano pa magagawa ko kung uulit pa siya.

Hindi naman siya mababalian ng buto sa ginawa ko kanina. Pero pwede siyang matrauma sa sinapit niyang paglipad kanina kasama ng bola.

Mukhang nag enjoy naman siya. Sa subrang enjoy niya nga nakatulog pa siya.

"Ayos ka lang Kim?" Pabulong na tanong saken ni Clark habang naglalakad kami papasok ng Sun Mall.

"Oo ayus lang. Salamat kanina, mukhang nagdrama kana naman." Pasasalamat ko naman na nakangiti pa. To  da rescue talaga si Clark saken. Mukhang may nauto na naman siya, si Samantha.

"Shhh wag ka maingay. Ayos lang yun para sayo Kim." Ang malambing niya namang sagot. Nakakakilig naman to si Clark.

Nag smile lang ako pabalik. Speechless ako sa kagwapuhan niya.

Nagtuloy kami sa Fine Dining Kitchen. Wow sosyalin, pang mayaman.

"Hi Madam" Bati saken ni Chico ng makarating kami sa mismong kainan.

"Antagal niyo naman. Kanina pa kami nagugutom." Protesta naman ni Mitch.

"Dapat nauna na kayo kumain." Sagot naman ni Clark.

"Pwede ba yun? Syempre sabay-sabay na tayo, sama-sama. What friends are for." Baklang bakla naman na pagkasabe ni Chico at Mitch.

"Sige mag group hug tayo guyz." Sabat naman ni Samantha na mukhang excited pa.

Yun nga ginawa namin, nag group hug kami. Pinagtitinginan pa kami ng tao kase naka uniporme pa kami.

Sabay sabay na nga kami kumain ng Lunch na libre ni Clark. Andami niyang pinahanda, tapos andami pang dessert. Halos nga dessert lang kinain ko, ayuko naman kumain nung inorder na letchon masyadong fatty, masisira yung figure ko.

"Guyz ansaya niyo pala kasama. Diko akalain na sa paglipat ko nang School ay makakatagpo ako ng mga kaklase at kabigan na katulad niyo." Si Jason Blake naman nag umpisa magdrama.

"Naku Blake, oo ganito kami lagi. Sabay sabay mag Lunch kaso sa loob lang ng Canteen. Originally apat lang talaga kami, puro babae. Ako,si Mitch, si Sam at Kim. Oh diba puro babae?" Natatawa pang sabe ni Chico sa lahat.

"Ganun, so saan pala si Clark at Marvin dati?" Curious namang tanong ni Blake.

"Naku lagi yan silang nasa labas kumain, kasama pa nila ni Piolo at si Kathryn yung dating nililigawan ni Clark." Sagot naman ni Chico ng derekta.

"Kathryn?" Pagtatanong pa ulit ni Blake.

"Naku mahabang estorya Blake, wag mo muna alamin baka ma imbyerna sa atin si Clark at pagbayarin tayo ng kinain natin. Kaloka! andami ko pa naman kinain. Jusmiyo santos marimar wala akong pambayad nitech. Barya nalang to pamasahe ko sa jeep pauwi." Baklang bakla naman na pagkasabe ni Chico.

HAHAHAHAHAHAHAHA

Nagtawanan naman ang lahat.

"Okay, ako din walang pambayad, hahaha." Sagot din naman ni Blake.

HAHAHAHAHAHAHAHA

Nagtawanan na naman kami. Napuno ng halakhakan yung private Lunch namin. Sinabe ko sa sarili ko na pag maganda bawal humakhak pero diko napigilan.

"Guyz tutal magiging busy na tayo nextweek why not lets have get together this evening. Kung bet niyo lang?" Tanong naman ni Mitch sa amin. So natigilan kami, inabsorb pa namin yung sinabe ni Mitch.

 That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon