That Feelings
Written by RigidPrince05THADDEAUS CLARK's POV
"Tara Kim mag zipline tayo." Yaya ko naman kay Kim habang tumatawa sa mga ka okrayan ng mga bakla.
"Sige ba, firstime ko kaya. Parang ansaya nila tignan. Hindi naman siguro yan katulad ng perris wheel na masusuka ako diba?" Todo ngiti pa niyang sabe. Wala pa nga pero parang excited na siyang sumakay. Tama pala desisyon ko na yayain siya.
Mas gumaganda siya lalo pag nakangiti. Naaalala ko na naman tuloy yung nangyare kanina. Yung hindi sinasadyang malapat ko ang labi ko sa labi niya. Kahit saglit lang yun, feeling ko antagal na. Tapos nalaman ko pang first kiss niya ako. Subrang saya ko. First kiss ko din kase yun sa tanang buhay ko.Hindi ko naman talaga yun sinasadya.
Iwan ko ba tuwing kasama ko si Kim nagiging masaya ako. Nakakalimutan ko na may problema ako. Nakakalimutan kong trinaydor ako ng kaibigan ko at niloko ako ng babaeng nililigawan ko.
Mas kinikilig din ako pag naalala ko kung pano ako gantihan ni Kim nang halik kase ninakaw ko daw first Kiss niya at nais niya lang makaganti o makabayad ako sa utang ko. Astig talaga tong babae na to, kakaiba. Tamang bang kikiligin ako kahit kalalaki kong tao? Wala naman siguro masama diba? Hindi naman siguro mababawasan ang pagkalalaki ko.
Naglalakad na kami paakyat papuntang zipline. Medyo paakyat kase ito pero sulit naman kung sasakay na kami pababa.
"Madam join naman kami. Fafa Clark." Sigaw ng dalawang bakla na sumunod na samin. Kahit nakakainis tong mga bakla na to minsan, dahil sa walang preno nilang bibig, masaya parin sila kasama.
"Go, make it fast." Sigaw ko naman sa kanila sa pag sang ayun. Nakita ko pa kung paano sila pakembot kembot kung tumakbo. Tch mga bakla nga talaga sila. Natatawa nalang ako.
___
Narating na namin ang taas nito kung saan magsisimula ang Zipline. Nakaka hingal at nakaka pagod ang paakyat nito. Pero sulit naman kase pagdating mo sa taas tanaw mo ang buong baba ng Tagaytay. Pati Taal Volcano ay abot tanaw mo rin. Napakahangin din dito, presko at masarap sa pakiramdam.
"Lawit na yung dila ko Madam maakyat lang to. Grabe antaas pala nito. Kung alam ko lang sana pala di na ako sumunod. Nasira yung magandang Beauty ko." Hingal na hingal naman na pagkasabe ni Chico. Yung makapal niyang pulbo sa mukha ay naaagnas na.
"Bakla wala kang beauty, tandaan mo yan. Chusera ka talaga. Tignan mo nga yang mukha mo naaagnas na." Sabat naman ni Mitch na hinihingal din. Wagas talaga itong dalawa pag dating sa okrayan.
"Huy bakla, sino may sabe? Lamang kaya ako ng limang paligo sayo. Chusera kadin." Ayaw naman patalo ni Chico.
"Clark hindi ba tayo hahanapin ni Madam Chungit nito?" Pag alala naman na tanong ni Kim saken.
"Oo nga Clark baka hanapin tayo ni Madam Square Root." Sabat naman ni Chico.
"Bakit hindi niyo ba tinitignan yung Checklist niyo?" Pagtataka namang tanong ko sa kanila.
"Meron ba Clark?" Sabay na tanong nila Kim, Chico at Mitch. Mukhang wala talaga silang alam.
"Oo naman. Sa bawat upuan may mga nakaipit na Checklist dun. Dapat kinuha niyo at binasa niyo." Sagot ko naman.
"Ay shit Bakla. Yun pala yung nakita ko kanina sa harap ng upuan natin. Kala ko naman sa Bus yun na papel." Sabe naman ni Mitch kay Chico.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Ficção AdolescenteDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...