That Feelings
Written by RigidPrince05KIM LEIGH's POV
Habang kumakain kami nila Clark, Mitch at Chico naisip ko agad sila Marvin at Sam.
"Clark nakita mo ba sila Sam at Marvin?" Tanong ko naman na may halong pagtataka.
"Oo nga no, san kayo yung dalawa na yun?" Sabat naman ni Chico at Mitch na kanina pa tahimik. Itong mga baklang to pag kasabay namin kumain si Clark, antahimik. Takot ba sila?
"Nasa Batch B sila. Nahalo sila sa ibang section kase late sila dumating. Andun sila sa kabilang Restaurant. Nagtext saken si Marvin." Paliwanag naman ni Clark sa amin.
"Ah I see, kaya pala hindi natin sila kasabay sa Bus. Anyway pwede mahinge yung number ni Marvin?" Tanong ko naman.
"Okay. 09750945192."
"Loko ka! Number mo to eh." Protesta ko naman. Habang tinatype ko kase yung number na binigay niya. Lumabas sa registered number yung name niya.
"Oo nga, number ko. Bakit mo kase hinihinge yung number ni Marvin?" Seryoso niya namang tanong.
dO___Od ⬅ Sila Mitch at Chico
"Wala lang, para pag diko sila makita etetext ko nalang. Masama ba?" Pagtataka ko namang tanong.
"Oh ito number ni Sam. Ito ang kunin mo." Sabay abot ng phone niya. Kaasar, bakit ba siya ganyan? Don't tell me nagseselos siya? Umaygad!
No choice ako kaya kinuha ko nalang number ni Sam.
Natapos na kami kumain kaya agad na kaming nagsi tayuan.
"Kim magbihis kana." Sabe ulit ni Clark saken.
"Sige, wait mo ko dito ah. Baka mang iwan ka tulad ng iba." Biro ko pa.
"Hindi mangyayari yun. Andito lang ako mag aantay sayo." Ay shit pumatol sa biro ko. Ang gwapo niya dun sa mga katagang yun.
"Madam, mag C-CR lang huhugot pa?" Tanong naman ni Chico na pinaikot pa yung mata.
Inirapan ko lang sila at lumayas na.
Pagdating ko sa Comfort Room, agad akong nag toothbrush at naghilamos. Pagkatapos nagpalit na ako ng Tshirt. Sinipat sipat ko pa ito. Pambabae nga, tapos may tatak na capitalized TAGAYTAY tapos sa baba nito I Love Him. Ay shit kaloka nang damit na to. Pero infairness ang ganda ng design. Tapos fitted saken. Magaling pala pumili si Clark ng damit. Akalain mo memoryado niya na size ng katawan ko. Umaygad don't tell me pinagnanasaan niya ako? Charaught!
Tapos lumabas na ako. Nag tsunami walk pa ako saglit. Feel na feel ko kase yung bago kong damit.
Hinanap ko agad si Clark kung saan ko siya iniwan. Oo nga nag antay talaga siya.
"Bagay pala sayo." Sabe niya agad pagkalapit ko sa kanya.
"Umaygad, madam couple shirt kayo!" Sigaw naman ni Mitch pero parang may halong tili na. Sakit sa tenga. Sinipat ko din damit ni Clark.
Yun nga may tatak din na Tagaytay at sa baba I Love Her. Namilog pa yung mata ko. Bakit ba diko napansin yun kanina? Tinignan ko si Clark. Naka ngiti lang ang loko. Pilyong ngiti. Sila Mitch at Chico naman kilig na kilig.
"Ikaw ah. Anong klasing trip naman to?" Pagdadrama ko namang tanong kay Clark.
"Trip ka dyan! Souvenir natin to. Binilhan ko din sila Mitch at Chico niyan." Sagot naman ni Clark.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Teen FictionDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...