Part 24

21 10 0
                                    

That Feelings
Written by RigidPrince05

KIM LEIGH POV

Habang naglalakad kami paakyat ng building ng School papunta sa Classroom namin.

"Diba tapos na yung drama natin? Ano na naman to Clark, trip mo na naman. Tanggalin mo nga yang kamay mo." Pabulong kong pag utos kay Clark. Kanina pa siya panay akbay eh, hindi na naman kami magshota na para gawin niya yun. Remember tapos na ang drama sa tagaytay pa.

"Wag kana nga lang maingay dyan at pumalag. Maglakad ka nalang dyan para makarating tayo sa Room. Look oh pinagtitinginan na tayo ng mga Tao." Pabulong niya ring sagot.

"Paki alam ko. Bahala silang lumuwa ang mga mata nila." Sarkastiko ko ring sagot.

"Crush mo ba yung bago?" Pabulong niya paring tanong na hindi ako tinitignan. Nauna kase kami naglakad yung ubang friends namin nakasunod lang.

"Sinong bago?" Pagtataka ko namang tanong.

"Si Palaka! Si Blake." Nagulat pa ako. Ang yabang talaga nito. Kelan pa to naging laitero?

"Shhhh, marinig ka. Ano ba pinagsasabe mo? Crush, crush ka dyan." Protesta ko naman.

"Eh bat ang tahimik mo? Kanina ko pa napapansin. Sabe nila pag tahimik daw ang babae, nahihiya lalo na pag kasama niya ang Crush niya." Pabulong niya ring sabe.

"Naku paniwalain ka naman." Sagot ko din naman. May iniisip kase talaga ako. Iniisip ko yung mga panaginip ko at biglaang mga alaala.

Tapos idagdag pa yung biglaang pag transfer ni Piolo sa ibang School. Grabe dahil lang dun nagawa niyang lumipat. Pinagpalit niya talaga ang pagiging Bestfriend niya dun sa Kathryn na yun. Nakakalungkot talaga. Ganun ba talaga magmahal ang mga tao? Handang isakripisyo ang lahat para sa minamahal nila?

May bago na naman kaming kaklase. Jason Blake daw ang pangalan. Sa totoo lang gwapo siya tapos idagdag pa yung blue eyes niya, masarap titigan kase bihira kalang makakita ng pinoy o half pinoy na may asul na mata. Kadalasan kase mga pure blooded american lang merong ganitong mata. Kung sa tangkad halos pantay lang sila ni Clark o mas matangkad si Clark. Matamis din ang mga ngiti niya kaso iba si Clark. Iba yung ngiti ni Clark parang may spark, sa kanya kase parang simpleng ngiti lang hindi nakakadala. Mukha namang mabait, goodluck sa kanya.

Plooooks

"Ouch!" Nasapo ko yung ulo ko dahil sa kung anong bagay na tumama dito. Kakapasok ko palang ng room yun agad ang bumungad saken.

"Malandi ka! Ikaw pala ang dahilan kung bakit nag transfer yung Boy Bestfriend ko." Sigaw ni Charice na kaklase din namin. Totoo nga magkaibigan sila ni Piolo, lagi ko napapansin na kaharutan nya ito nuon.

Tinignan ko kung ano yung binato niya. Futa eraser pala yun, kaya pala masakit. "Pano ka nakaka siguro na ako ang dahilan ng pag alis ni Piolo?" Tanong ko naman habang sapo yung ulo ko na natamaan. Masakit talaga, sapol ba naman.

"Sigurado ako. Kase inahas mo lang naman si Clark kay Kathryn. Si Kath ay bestfriend din ni Piolo kaya sinundan din ni Piolo si Kathryn sa UB. Kaya dahil sayo nag transfer si Kath pati si Piolo nadamay tuloy." Sagot naman ni Charice.

"Tumigil ka! Wala kang alam. Lalo na sa amin ni Kath. Tsaka pwede ba wag mo idamay si Kim dito." Pagsasalita naman ni Clark kay Charice.

"Aba! Pinagtatanggol mo pa yang babaeng yan. Siguro ginayuma ka niyan kaya biglang liko ka. Nakaka disappoint crush pa naman kita kase matalino ka pero nagkamali ako, bobo kadin pala." Pagtataray pang sagot ni Charice kay Clark.

 That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon