Part 26

29 8 0
                                    

That Feelings
Written by RigidPrince05

KIM LEIGH's POV

"Good morning Iha, ready ka na pala. Parang ang aga mo ngayon. Sandali lang magkakape lang ako." Sabe naman ni manong Roberto pagkababa ko ng bahay at bihis na bihis na.

"Good morning din Manong. Teka manong diko ba nasabe sayo na hindi mo ko ihahatid sa School ngayon?" Pagtataka ko namang tanong kay Manong.

Napahinto naman sa pag higop si Manong sa kape niya at tinignan ako ng pagtataka.

"Bakit Iha sino ang maghahatid sayo kung ganun?" Pagtataka ring tanong saken ni Manong.

"Ah kaklase ko po. Bagong kaklase ko, tuturuan niya daw ako mag Bike kaya makiki angkas ako." Sagot ko naman at umupo na sa harap ng mesa.

"Close agad kayo, ganun kabilis? Oh baka naman manliligaw mo?" Pagtataka naman ulit na tanong ni manong na naka ngisi pa.

"Ah hindi po, tuturuan lang niya talaga ako. Mabait po yun." Sagot ko naman na naka ngiti.

"Ano naman ang pangalan niya Iha. At kung bago siya, ang ibig sabihin bagong lipat mula sa ibang eskwelahan?" Pagtatanong naman ni Manong saken.

"Actually tama ka Manong. Jason Blake Scotch po fullname niya. Galing University of Bulacan." Sagot ko naman habang nag titimpla din ako ng gatas. Gatas nga, hindi ako nagkakape.

"Jason Blake ba ka mo Iha? Tapos galing University of Bulacan?" Pagtataka namang tanong saken ni Manang Flor na kakarating lang galing kusina, dala dala ang pang almusal na pagkain, sinangag na kanin at pritong hotdog.

Medyo nagulat pa ako sa biglaang tanong niya sa likuran ko. "Opo, bakit po? Kilala niyo?" Pagtataka ko namang nilingon si Manang at nagtanong.

"Aba Iha apo namin yan. Napaka liit nga talaga ng mundo, akalain mo sa eskwelahan niyo rin ang bagsak niya." Si Manong Roberto naman ang sumagot, kaya binalik ko ang paningin ko sa kanya.

"Tama Iha, siya ang apo namin. Siya yung kinukwento ko sayo, na apo ko sa panganay kong anak." Sumagot ulit si Manang pagkatapos niyang mailapag yung pang almusal sa mesa.

"Talaga huh? Ang gwapo naman pala ng apo niyo Manang, Manong." Papuri ko naman.

"Naku Iha sinabe mo pa. Kay bait na bata din iyan, tsaka matalino rin sa klase pero sakto lang. Scholar yan kase varsity ng Basket Ball. Magaling din sa sports yang batang yan." Proud namang anunsyo ni Manang.

Ding...Dong...Bell....

Mayamaya lang tumunog ang doorbell ng gate namin. Siguro si Blake na ito.

"Ako nalang huh Manang." Pag presenta ko naman at agad lumabas ng bahay para magbukas ng gate.

Bumungad agad sa akin ang gwapong Blake na bagay na bagay sa suot nyang uniform. Umalingasaw din ang pabango niyang panlalaki.

"Good Morning Kim." Pambungad niyang bati na kasing lawak ng pacific ocean ang mga ngiti.

"Good Morning din. Halika tuloy nag breakfast pa kami, tara kain." Paanyaya ko naman.

"Ay wag na tapos na ako mag breakfast pero tutuloy ako, hihintayin nalang kita matapos." Sagot niya naman.

Nagtuloy na nga kami sa loob at nagkagulatan pa silang tatlo ng magkita.

"Lolo, Lola? Bakit kayo andito?" Pagtataka namang tanong ni Blake.

"Oh apo, dito pala kami nagtatrabaho ng Lolo mo." Sagot naman ni Manang at sabay lapit sa apo at yumakap. Pati rin si Manong yumakap din sa apo niya.

 That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon