That Feelings
Written by RigidPrince05KIM LEIGH's POV
Matapos ang practice nila Clark, nagpahinga muna kami saglit.
"Pwede mo ba punasan yung likod ko?" Tanong naman saken ni Clark pagkatapos ng laro nila at lumapit agad saken.
"Hu?! Ahm" Kamot sa ulo. "Ahm sige, saan na ang panyo mo?" Hanap ko din ng panyo niya. Pumayag nalang ako, wala eh marupok ako pag si Clark ang nakikiusap.
"Ito nalang, nakalimutan ko yung panyo ko." Sabay kuha niya ng panyo kong hawak. "Akin nalang to papalitan ko nalang" Dagdag niya pa sabay punas sa mukha niya ng panyo ko.
Katulad ng dati, wala na naman akong nagawa kundi tumango nalang. Ano bang meron sayo Clark, lahat nalang ng kalokohan mo sinasakyan ko. Dahil ba Crush na kita o gusto na kita? Pero ang katutuhanang hindi ako Tao? Huhuhu, pati ngayon nakakaramdam na ako ng sakit, lungkot na hindi maipaliwanag.
Nung unang dumating ako dito sa mundo ng mga Tao, wala akong ibang naramdaman kundi tuparin agad ang misyon ko para makabalik agad sa mundo ko. Pero unti-unting nagbago ang lahat simula ng makilala kita Clark.
Lahat ng emosyon bilang Tao ay nararamdaman ko na. Una yung kinikilig ako, tapos yung nagiging masaya na ako, naging concern sa paligid ko, nakaramdam ng paghanga sa isang Tao, natutong mag isip ng tama na parang diko nagawa nuon sa mundo ko at higit sa lahat, ang malungkot at madismaya sa pagkatao ko. Tao na nga ba ako?
"Kim, mukhang nag eenjoy kana sa kakapunas ng likod ko. Ganun ba karami pawis ko, o di kaya naman pinagnanasaan mo likod ko?" Nagising ako sa masaganang imahinasyon ko sa nakakalokong tudyo saken ni Clark. Diko namalayan na matagal ko na palang pinupunasan yung likod ni Clark habang lumilipad ang isipan ko.
"Ha? Ahhhh ehhh. Oh balakadyan." Sabay hagis ko ng panyo sa mukha niya tapos ng walkout ako.
"Uyy, sorry na. Biro lang naman, san ka pupunta?" Pag alala namang tanong saken ni Clark habang naka buntot saken.
Pa simple naman akong nakangiti pero hindi niya naman kita kase nakatalikod ako habang naglalakad. Napahiya ako dun ah.
"Tayo nalang kase, ano pa ba gagawin natin kundi mag Lunch narin. Nauna na sila Sam at Marvin." Pagdadrama ko pa, umepek ka please!
"Ah ganun ba, akala ko galit kana. Pinag alala mo ang gwapong tulad ko." Papacute niyang sabe tapos sinabayan niya ang lakad ko para makita ang mukha ko. "Gutom kana ba ha? San mo ba gusto kumain? Dadalhin kita dun, kahit ano gusto mo bibilhin ko." Seryoso niya pang sabe saken. Grabe naman tong tao na to manligaw, subrang cheezy. Lahat talaga ng gusto ko? Ang swerte ko naman. Diko mapigilan kiligin pero nagpipigil lang ako kase nakatingin siya sa mukha ko.
"Naku, wag ka ngang aksayado sa pera mo. Wala ka pa namang trabaho, pera pa yan ng magulang mo. Tsaka kana mag waldas pag sarili mo ng pera yan." Seryoso ko ring sagot. Ayaw ko naman abusuhin yung kabaitan niya. Seriously? Concern na ako sa mga ganung bagay? Diko na talaga alam yung mga kinikilos ko, nagmumukha na akong Tao.
"Iba ka talaga. Napaka swerte ko kung ikaw yung magiging Girlfriend ko. Akalain mo yun nasabe mo yun saken. Never pa ako nakarinig ng ganyan sa lahat ng nilibre ko. Ikaw lang ang dakila." Seryoso niya ring sagot sa mga tinuran ko. Napangiti naman ako.
"Advance lang kase ako mag isip." Nakangiti ko pang sagot naman.
"Ahhhh ganun. Pwede din bang e-advance mo yung pagsagot saken?" Nakakaloko niya pang tanong na naka bungisngis pa. Pati pag bungisngis niya ang cute.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Ficțiune adolescențiDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...