Part 6

37 20 1
                                    

That Feelings
Written by RigidPrince05

CLARK'S POV

Diko alam kung bakit ganun kabilis ako nagdesisyon. Kung bakit napapayag niya ako sa wirdo niyang pagtulong saken sa panliligaw. Feeling ko nakakabading tuloy. Ganun na ba ako katanga at ka desperado para patulan yung suhestyon niya? Diko alam kung bakit ko pa tuloy nasabe yun, parang pinagsisihan ko na tuloy. Hayss.

Pabalik balik sa isipan ko ang mga eksena namin ni Kim. Yung unang araw na naglakas loob syang lumapit saken at naglakas loob na magpakilala. Hanep diba, nakakatuwa.

Sumunod yung pagharang niya saken sa may parking lot at ang daming sinabe, ang point niya lang pala eh tulungan ako sa panliligaw. Ang wird noh?

Tapos yung bigla niya akong hawakan sa braso, eh gusto niya lang pala kami magkasabay pumasok, hahaha.

Sumunod naman yung pagligtas niya saken sa disgrasya, disgrasya ba yun o katangahan ko? Yung eksena na napayakap ako sa kanya. Parang may kung anong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko, na siyang naging dahilan para tumigil ng ilang segundo ang pagtibok ng puso ko at kasunod nun maala tambol sa lakas na tunog ng puso ko. Pinilit kong labanan pero wala akong nagawa. Di ako makakilos sa mga oras na yun. Feeling ko subra akong napahiya sa pagkayakap sa kanya.

Oo aaminin ko. Napahiya man ako sa ginawa ko pero parang kinilig pa ako. Parang nagustuhan ko pa. Parang o gusto ko talaga? Hahaha.

Yung pabango niyang pambabae at mabangong buhok diko alam kung anong brand ng shampoo ang gamit niya, basta mabango.

Hanggang sa eksena kanina habang nasa canteen kami. Alam ko na tinitignan niya ako at naramdaman ko yun. Pa simple ko din naman siyang tinitignan, habang iniisip kung papayag ba ako o hindi?

Hanggang sa, diko namalayan na gumawa na ako ng eksena nung pabalik na kami sa room namin. Kung bakit ako nagpanggap na mag si-CR din ako kahit yung totoo ay hindi. Gusto ko lang talaga siya makausap at masabe na pumapayag na ako sa tulong niya. I can't help myself. Diko nga alam kung bakit biglaan nakakagawa ako ng ganun kabilis na desisyon. Praning na ba ako?

Ilang self confidence kaya ang kinain ko para lang masabe yun sa kanya. Feeling ko angbading ko talaga.

Gusto ko na tuloy pagsisihan ang mga desisyon ko. Parang gusto ko na tuloy bawiin. Pero, hindi ba mas nakakahiya o mas nakakabading na hindi ko kayang panindigan mga salita ko?

Ah basta, okey na yun. Kampante ako na si kathryn ang talagang mahal ko. Gagawin ko lahat mapapasagot ko lang siya ng matamis na "OO".

"Mahal ko si Kathryn."aksidenteng naibulalas ko yung mga nasa isip ko. Napalakas pa ata. Tss ang bading ko.

Natigilan ang lahat. Napatingin sila saken. Pati yung science teacher namin na si madam Berde. "Mahal mo si kathryn? Sinong kathryn yan? Si Kathryn Bernardo ba?"ang nakangising tanong saken ni madam Berde, habang papalapit saken.

Nagtawanan ang lahat.

"Bwahahaha"

"Si kathryn pala ah"

"Umaygad si kathryn bernardo ba talaga tinutukoy niya?

"Ano Mr. Sun? Si kathryn bernardo ba tinutukoy mo? Paano na si Daniel Padilla kung aagawin mo si Kathryn sa kanya?"ang nakangisi ulit na tanong ni madam Berde saken. Nagtawanan ulit ang lahat . Disgusting moment.

"Ah,  eh wala yun madam. Sorry" ang paghinge ko ng paumanhin para hindi na humaba pa.


"Okey. Tigil tigilan niyo yang panunuod niyo ng drama sa TV. Baka bukas may sumigaw na naman na mahal ko si Liza Suberano. Utang na loob mag aral muna kayo bago yang mahal, mahal." Ang mahabang detalye ng science teacher. Subrang napapahiya ako sa mga oras na to. Parang gusto ko maglaho sa kinauupuan ko.

 That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon