Part 19

26 11 0
                                    

That Feelings
Written by RigidPrince05




KIM LEIGH POV

Obviously na shock ako sa mga narinig ko. Panira ng moment to si Piolo, imbes na si Clark ang magsasabe saken ng lahat. Tsk, wala nang thrill tuloy.(>_<)




So nahuli pala at narinig mismo ni Clark ang kasinungalingan ng dalawa. So tama pala ang kutob ko nung una palang. Kutob na may relasyon sila. Kitang kita ng dalawang mata ko ng araw at gabing yun kung paano sila mag hawak kamay. Yung araw mismo na naging sila ni Marvin at Sam.


Kawawa naman si Clark kung ganun. Ginamit lang pala siya. Ang masaklap pa, sariling bestfriend niya tinalo din siya.



Makapangyarihan talaga ang pagibig. Kaya nitong baguhin ang ugali ng tao. Kaya nitong baliktaran ang lahat. Walang mali o masama sa pag ibig, sa pagdadala lang nito sa taong umiibig.




Ang inggit at selos din ang numero uno kung bakit nagkakasiraan ang mga tao. Kung bakit nabuo si BES. Si BES na AHAS, taong umahas sa jowa ng may jowa. Isa lang naman dahilan nun kung bakit may AHAS, dahil sa inggit at selos.


"Bakla tapos na ang drama. Moveon na. Uwi na tayo." Nagulat pa ako sa sinabe ni Mitch at hampas niya. I tell you mapanakit ang mga bakla. ::>_<::







"Kim pwede mo muna ako samahan saglit. Ako nalang maghahatid sayo mamaya." Bigla namang sabat ni Clark sa likod ko. Paalis na sana ako. Kikiligin na sana ako pero hindi pwede. This is not the right time. Umienglish. Anyway!


"Go bakla, samahan mo na si fafa Clark baka mag bigte pa yan." Bulong naman saken ni Mitch. Kalokohan talaga ng baklang to. Pero syempre papayag ako no. Inirapan ko lang siya. Ganda nga ako diba?





Lumingin ako at nangingislap pa yung mata. "Sige" Tipid kong sagot. Ayaw kong ipahalata na kinikilig ako. Kahit totoo. Charaught!





Nag paalam muna ako kay Manong na hindi ako sasabay sa kanya. Magpapahatid nalang kamo ako kay Clark. Pumayag naman siya, wala naman siyang magagawa eh.





Pagkatapos nun sumakay na ako sa kotse ni Clark.




"Clark kung may balak kang magpakamatay, wag ngayon please. Kasama mo ko. Kasama mo yung maganda at sexy pa." Pagbibiro ko naman kay Clark para kahit papano mawala ang tensyon.



Ngumiti siya ng plastic. "Why would I?" Sarkastiko niya namang tanong saken.





"Ahm wala naman. Actually joke yun. Ahm hindi ka ba natawa? Hahahaha." Ang plastic kong pagtawa. Syempre support ko sariling joke. Hindi siya natawa eh kaya ako nalang.







"Why would I waste my precious Life? Yung mga ganung klasing tao hindi inaalayan ng buhay. Selfish sila. Sarili lang iniisip nila." Seryoso namang sagot ni Clark. Bakas parin ang mga lungkot sa mata niya.








Dahan dahan lang ang pagtakbo namin. Hanggang sa hininto niya ito sa gilid ng kalsada. Sa tapat mismo ng Park ng Bulacan. Alas singko palang ng hapon kaya maliwanag pa. May mga mangingilang tao din ang namamasyal sa paligid nito.







"Clark gusto mo bang bumaba at mamasyal din?" Tanong ko at binasag ang katahimikan.






"No!" Ang mabigat naman niyang pang tanggi.




 That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon