That Feelings
Written by RigidPrince05KIM LEIGH's POV
"Lapastangan ka! Ilang beses ko na sinabe na wag mong paglaruan ang mga Feelings ng mga tao, pero ano sinuway mo na naman ang utos ko. Dapat sayo maparusahan!" Anang boses na may katarungan.
"Sorry Ama, patawad hindi ko na po uulitin." Pagmamakaawa ko pa ng nakaluhod.
"Ilang beses mo na sinabe iyan. Ngunit paulit ulit mong ginagawa. Dapat na sayo maparusahan para tumino ka. Hindi laruan ang mga Tao para paglaruan mo." Sigaw na naman ng makapangyarihang boses.
"Ama papatayin niyo na po ba ako?" Ang pagmamakaawa ko pang tanong na may bahid ng luha sa aking mukha.
"Wala akong karapatang kumitil ng buhay lalo na sa aking nasasakupan. Ang parusang ipapataw ko sayo, ay parusang makapagtitino sayo. Ipaparanas ko sayo kung paano mamuhay bilang Tao." Dagdag pa ni Ama.
"Bilang Tao? Lugod ko pong tatanggapin ang kaparusahan mo Ama. Kung yan po ang nararapat na kaparusahan, lugod ko pong tinatanggap." Pag sang ayun ko naman na may pagsisisi, pero alam kong huli na.
"Sige maghanda ka. Simula ngayon mamumuhay ka bilang Tao. Mararanasan mo kung gaano kahirap maging Tao. Ipaparanas ko sayo ng buhay na pinaglaruan mo. Feelings na sinayang mo. Hindi dapat ganun. May kanya kanyang tadhana ang mga Tao na nakaukit na sa bato, at yun ang tadhana nila. Pero dahil sa iyong kapahangasan at taglay na pilya. Isa sa mga taong ito binago mo ang kanyang kapalaran. Bakit mo niliko ang kanyang kapalaran? Alam mo bang dahil sa ginawa mo mag iiba ang takbo ng buhay niya?" Dagdag pangangaral pa ni Ama.
"Patawad Ama. Sige parusahan niyo na po ako. Ngayon na." Pagmamakaawa ko pa at taos pusong tinatanggap ang parusa.
"Ngayon pansamantala mong makakalimutan ang iyong tunay na pagkatao at pinanggalingan mo. Buburahin ko lahat ito sa alaala mo. Mamuhay ka bilang tao. Gawin mo ang misyon mo. Gawin mo ang nararapat pero wag kang lumiko ulit sa baluktot mong pag iisip. Unti unti kong ibabalik ang alaala mo ayun sa aking itinakdang panahon." Yun ang huling mensahe na aking natanggap.
____
Tok!Tok!Tok!
"Iha gumising kana. Tanghali na, sabe mo may Fieldtrip kayo?" Nagising ako sa lakas ng katok ni Manang sa kwarto ko.
Ay shit Sabado pala ngayon. Unang araw ng 2days Fieldtrip namin.
Teka? Panaginip ba yun? Kala ko totoo na? Shit! Panaginip lang pala.
Pero hindi, andun ako mismo. Ako ba yung naparusahan? Tama ako yun! Dahil sa kapangahasan ko. Sino ba talaga ako? Kaya pala wala akong maalala dahil kasabay ng pagpunta ko dito sa mundo ng Tao, binura din ni Ama ang alaala ko.
"Iha gising ka na ba?" Muling sigaw ni manang sa labas ng kwarto.
"Opo" Sigaw ko din naman. Lecheflan, pag magaganda hindi sumisigaw eh. Badtrip!
Agad na akong pumunta ng banyo at naligo. Gamit ko pa yung shampoo ni Ms. Angel Locsin. Charaught!
Kagabi palang nakahanda na ang mga maleta ko, parang maglalayas lang ako sa dami ng inimpake ko. Syempre pag magaganda dapat handa.
Sinipat ko lang yung sarili ko sa salamin. No need na mag makeup at magpaganda kase from the word MAGANDA ako yun. Taray ng ate niyo. Charaught!
Syempre naka handa na yung mga sumbrero ko. Tatlong ibat ibang kulay. Pink, black and white. Bakasyonista lang ang peg. >_<¦¦¦
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Teen FictionDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...