That feelings
Written by RigidPrince05THADDEAUS CLARK's POV
Mas gugustuhin niya pang magpaturo sa palaka na yun. Ako na mas kilala niya, mas poge, mas matangkad at mas hamak na mabango naman ako dun. Tapos ang yaman ko pa, may kotse samantalang yung palaka na yun Bike lang? Pfff.
Ring....Ring....Ring....
Manong Roberto's CallingBiglang nag ring yung phone ko sa kalagitnaan ng byahe ko pauwi. Iniwan ko na sila, nabwesit ako bigla ng diko alam ang dahilan. Pati ako naguluhan sa inasal ko kanina. Nagseselos ba ako?
Bakit kaya napatawag to?
Tot...
"Hello po Manong. Napatawag po kayo?" Tanong ko naman agad matapos ko masagot ito.
"Ah Iho pauwi kana rin ba? Baka pwedeng isabay mo nalang muna si Kim pauwi. Nautusan kase ako ng Manang mo mag grocery, medyo mahaba ang pila sa bayaran kaya medyo matatagalan pa ako makauwi. Nag alala ako kay Kim baka gabihin ako ng sundo. Makikisuyo lang ako kung maaari Iho." Ang mahabang detalye ni Manong. Andami niyang sinabe, di naman niya kelangan magpaliwanag.
"Actually po pauwi na ako. Ahhh ehhh iniwan ko si Kim kala ko kase andun na kayo, hindi ko napansin. Di bale po babalik nalang po ako, ako nalang magsusundo sa kanya at maghahatid pauwi." Sagot ko din naman.
"Salamat Iho, napaka buti mong bata." Ang madamdamin namang saad ni manong. Napaka pormal naman magsalita itong mga matatanda.
"Walang anuman po." Sagot ko din sabay baba ng celfone.
Takte! Yan Clark sa kahangalan mo baka nasulot pa yun si Kim ni Blake. Baka sa mga oras na to ihahatid na siya ni Blake sa bahay niya. Protesta ng isip ko.
Agad akong nag U-Turn sa pinaka malapit at pinaharurot pabalik sa School ang kotse ko.
Malayo palang ako sa parking lot pero tanaw ko na si Kim at Blake at may isang babae pa. Mukhang si Charice, mukhang nagkakasagutan sila ni Kim.
Sakto pagkarating ko sa Parking lot, kitang kita kung paano sinampal ni Charice si Kim. Kitang kita ko rin kung paano nangangalit ang mukha ni Kim pagkatapos niyang masampal.
At ang mga sumunod na eksena ay kung paano ilambitin ni Kim si Charice sa ere sa pamamagitan lang nang pangunguwelyo nito. Agad niya itong binalibag na parang papel sa ere. Agad tumilapon si Charice sa harapan ng kotseng andun. Kakaiba talaga tong babaeng to, animoy makapangyarihang nilalang.
"KIM!!!!!" Rinig kong sigaw ni Blake. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ni Kim kay Charice.
Agad akong lumapit kay Kim pagkababa ko ng sasakyan.
"Kim tama na." Awat ko kay Kim at hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Agad naman siyang kumalma sa ginawa ko.
"Loko ka talaga Charice. Ayan sabe ng wag mo galitin si Kim. Di mo ba alam nag aral to ng Chinese KungFu at taekwundo? So now alam mo na, na hindi basta basta si Kim." Plastic ko pang pagtawa pero yung totoo kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Charice baka pagdudahan niya si Kim sa katauhan nito.
Kinindatan ko pa si Kim na ibig sabihin sumang ayun nalang siya sa drama ko. Rumihistro sa mukha ni Kim ang pagtataka at nagtatanong kung saan ko pinagkukuha ang mga pinagsasabe ko.
"Wow astig! Nag aral ka pala ng Chinese Kung Fu at Taekwundo Kim? Kaya pala ganyan ka kagaling. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo binalibag si Charice ng ganun kadali. Ibang klase!" Ang mahabang papuri ni Blake kay Kim, na bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
Fiksi RemajaDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...