That Feelings
Written by RigidPrince05KIM'S POV
Nag angat ako ng paningin kung saan nanggaling ang kaluskos. Nakita ko ang dalawang mata sa labas ng bintana naka masid saken. May kadiliman yung bahaging iyon kaya diko matukoy kung anong nilalang ito.
Ng biglang tumalon ito papasok ng bahay. Isang maitim at malaking pusa na nag aapoy ang mata.
"Sino ka. Anong kelangan mo?"ang matapang kong tanong.
Bigla itong nagpalit ng anyo. Naging isang malaking halimaw. Nakalabas ang magkabilaang pangil nito. May dalawa rin syang mahahabang sungay na matutulis. Isa ring mahabang buntot na sa tanya ko mga isang dipa ang taas. Animoy may sariling buhay na kumakaway kaway.
"Kailangan ko ang bilis mong taglay."ang sagot niya naman habang tumutulo pa ang laway. Kakadire naman tong nilalang na to.
"Subukan mo kung kaya mo!"mayabang ko namang hamon sa kanya.
Ngumisi siya na sinabayan pa ng panlilisik ng kanyang mata. "Sa ayaw at gusto mo, mapapasaken ang kapangyarihan mo." Sigaw niya na animoy robot na pa echo-eco.
Mabilis akong umikot sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papuntang veranda at sinipa siya patalikod.
Boogggggsss
Ginamit ko ang taglay kong lakas sa pagsipa sa kanya pero sa subrang lakas niya rin napigilan niya ang pagtilapon niya. Imbis na sa malayo siya pupulutin bumagsak lang siya sa ibaba ng bahay.
Mabilis din ako tumalon. Kahit na medyo may kataasan ang second floor namin hindi ako nag atubili na lundagin ito.
Bago pa man siya makatayo tinadyakan ko ulit siya sa likod.
Blaaaaggggs
Tumayo ulit siya at ngumisi ng nakakaloko. "Sa tingin mo mapapa bagsak mo ko ng ganun ganun nalang. Nagkakamali ka!" Humahalakhak pa siya na animoy demonyo talaga.
Mabilis rin siyang nakalapit saken. Sabay hawak sa leeg ko na animoy sasakalin ako. Pero hindi ako nagpatinag agad ko din siyang tinuhod ng ubod ng lakas.
Ehhhhhh
Napaimpit siya sa sakit at agad akong nabitawan at napaluhod. Ginamit ko ang pagkakataon na yun at agad kong hinawakan ang dalawang sungay niya. Subrang lakas ko itong pinihit at nagtagumpay naman akong baliin ito.
Umusok yung dalawang puno ng sungay niya na pinag balian ko at lumabas ang dugo na kulay berde. Bumubula pa ito kasabay ng pagkakaupos niya. Hanggang sa maglaho siya na parang bola.
"Nasa sungay lang pala ang kahinaan mo. Kala ko ba hindi kita kayang patumbahin ng ganun ganun nalang?"sabe ko naman na animoy kausap ko ang hangin na pinaglahuan niya. Nagpagpag pa ako.
"Sino kausap mo Iha at ano ginagawa mo dito sa likod bahay?" Nagulat pa akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Ikaw pala manong. Ahm kakarating mo lang? Ahm wala naman akong ginawa. May tinignan lang ako dito."pagpapalusot ko pa.
"Oo Iha kakarating ko nga lang. Pano ba naman kase pinigilan pa ako ng pamilya ni clark. Pinilit pa akong makisabay sa hapunan nila. Subrang nahihiya nga ako kaso wala naman akong nagawa. Mas nakakahiya naman tumanggi sa kanila."
"Ah kaya naman pala manong. Naghapunan narin kami ni manang. Hindi kana namin naantay. Antagal niyo po eh."naka ngisi ko pang dagdag.
"Mas okey nga yung ginawa niyo kaysa naman inantay niyo ko. Ang bait pala ng pamilyang Sun. Matagal ko nang kilala pamilya nila pero ngayon ko lang sila nakasama."makikita mo sa mukha ni manong kung gaano siya kasaya. Mukhang nag enjoy nga siya.
BINABASA MO ANG
That Feelings(#Wattys2018)(ON GOING)
JugendliteraturDATE STARTED: April 12, 2018 STATUS: ONGOING GENRE: Teen Fiction/ Mystery / Comedy/ Romance HIGHEST RANK: #4 in Kilig Love Story 05/15/18 #3 in Comedy 06/02/18 #7 in drama 06/15/18 FEATURES...