"HAY NAKO NANCY!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
(Para sa lahat ng nababaliw kay NANCY ng MomoLand)
•••••
Ang akala ko normal lang to,
Akala ko simpleng sintomas na magagamot pa ito,
Hindi ko alam bakit nagkaka-ganito ako,
Bwiset ka nancy anong ginawa mo!,
Lagi kang laman ng notif. Ko,
Puno rin ng larawan mo ang gallery ko,
Kahit sayaw pambabae bakit napapa-indak ako,
Napapagaya ako,
Na kahit nagmumukhang tanga na ko,
Bakit parang gustong gusto ko,
Hindi ko alam talaga anong nangyayare sa kagaya ko,
Nalilito na ko,
Di porket malambot bewang mo,
Medyo matambok pwet mo,
Maputi makinis balat mo,
Bakit parang nagkakagusto na ako sayo,
Alam kong mahirap maintindihan ang sinasabi ko,
Kase koreana ka pilipino ako,
Pero salitang pang koryano,
Aaralin ko,
Kahit nahihirapan ako,
Pipilitin ko,
Dati tawag ko sa mga babaeng koryana sinto-sinto,
Hahaha nakaka-inis man pero totoo,
Pero sana wag kang magagalit atleast kahit papaano nagsabi ako ng totoo,
Nancy nancy nancy,
Bakit hirap na hirap akong ikaw maintindi,
Nararamdaman hindi ko man masabi,
Pero mukhang sayo akoy tinamaan kaya di na kita masisisi,
Sa indayog palang ng iyong hataw,
Kahit nahihirapan man na sumabay sa iyong galaw,
Ikaw parin ang nais kong matanaw,
Mapalikod , harapan, gilid o ano man,
Nancy iba pala talaga kapag sayo ay tinamaan,
Marami mang kalaban,
Pero sarili handang depensahan,
Gusto ko kase yung kagaya mo mahawakan,
Kahit isang minuto man,
Kahit mahirap aking paninindigan,
Isa rin ba kayo sa nahumaling kay nancy,
Yung isang magandang binibini,
Na mahirap ikumpara sa ibang babae,
Paano kayo nakasurvive sa mapang-akit nyang ngiti,
At mapupulang labi,
Tulungan nyo naman ako kase di ko alam paano ako kakalas sa tali,
Ang hirap ng ganto kaya mapapasabi ka nalang ng;
HAY NAKO NANCY!
•••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry ❤
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poetry"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...