"SINO BA PIPILIIN MO? YUNG TAONG GUSTO MO? O YUNG TAO NA PATAGONG PINAHAHALAGAHAN ANG KAGAYA MO?"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
#ALoveSoBeautifulPoetry 🌹
(Para sa lahat ng nasa parehas na sitwasyon ni Zoey)
•••••
Naranasan nyo bang maging si zoey?,
Yung tipong may mahal na mahal ka,
Pero may palihim sayo na nagpapahalaga,
Ano kayang pakiramdam ng nasa sitwasyon nya?,
Mahirap kaya?
O masaya?,
Kung kayo si zoey anong pipiliin nyo sa dalawa,
Yung nilalaman ng puso mo,
Na ayaw sayo,
O yung taong pilit na lumalapit sayo,
Pero di mo gusto?,
Simula natin sa mga taong parang katulad ni ken,
Mga taong kahit ano ang ating gawin,
Di ka talaga pinapansin,
Yung parang kumakusap ka sa hangin,
Mayayabang kung tawagin,
Ang lalakas magpaasa ng tao,
Oo di nga nila kasalanan na magka-gusto tayo,
Kase ginusto natin sila,
Pero mali naman yata siguro na tratuhin nila tayong ganto diba?,
Tayo na nga yung nagkukusang lumalapit pero iwas ng iwas sila,
Pero bakit ? kailangan ba yun talaga?,
Wala naman tayong sakit na nakakahawa,
O kaya epedemya na malala,
Bakit ganon lahat ng nagugustuhan natin dito,
Gusto molang naman ipakita yung totoong nararamdaman mo,
Pero bakit kailangan ipagtabuyan ito,
Ano ba ang dapat gawin para yung taong gusto natin magustuhan rin tayo?,
Aish ang hirap naman ng ganto,
Dumako naman tayo sa mga lalaking parang si Liam,
Yung tipong harap-harapan mo ng pinapa-alam,
Na hindi sya yung tao na iyong inaasam-asam,
Pero lagi parin nagpaparamdam,
Yung mga lalaking kahit ipagtabuyan muna,
Gumagawa parin ng paraan para mas makilala mo sya,
Yung mga taong ayaw na ayaw mo talaga,
Ginagawa kang inspirasyon para sa kanya,
Nako-konsensya ka rin ba sa iyong ginagawa,
Nararamdaman mo naman kase yung paghihirap nya,
Pero yung atensyon mo nasa iba,
Mahirap malagay sa pwestong kahit nasasaktan kana,
Pinipilit mo pang maging masaya,
Alam kong mahirap magdesisyon kung mala-zoey ka,
Si zoey na totoong babae sa ginagawa lahat sa taong gusto nya,
Para magustuhan sya,
Kahit pinagtatabuyan na,
Lumalaban pa,
Pero di man lang iniisip na di nya kailangan ipagsiksikan sarili nya,
Kase may liam na umaasa sa kanya,
Na patagong minamahal sya,
Pero yung atensyon nya kay ken na walang ginagawa,
Kundi saktan at paasahin lang sya,
Kaya kung kayo ang malalagay sa pwesto nya,
Ano bang mas titimbangin nyo sa dalawa,
Yung taong mahal na mahal mo na handang paasahin ka,
At habang buhay nasasaktan sa pag-papaasa nya,
O yung taong mahal na mahal ka,
Na handang masaktan mapasagot ka,
Nakakalito diba?,
Ang hirap mag desisyon sa dalawa,
Lalo na kapag pareho sayong mahalaga,
Kung pipili ka?,
May sasagutin kaba?,
Kung meron sa dalawa?,
Sino ba?,
SINO BA PIPILIIN MO?
YUNG TAONG GUSTO MO?
O YUNG TAO NA PATAGONG PINAHAHALAGAHAN ANG KAGAYA MO?
••••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry ❤
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poesía"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...
