"PATULOY PARIN KAMENG SUSUPORTA KAHIT MARAMI NG KUMALAS SA PAMILYA!"
Ni : Makatang Dinosaur 💕
(Para sa lahat ng Pamilyang Mandirigma! Ahu! Ahu!)
(Kasama tayo sa laban ng Jamill! Ahu! 💪🔥)
••••••
Kumakalat na naman ang ibat-ibang balita,
Mga tao ang atensyon sa atin na naman ang husga,
Katyaw dito ng kung ano-anong puna,
Na walang iniisip kung totoo ba talaga?,
Lahat ng tao nakadepende sa balita,
Ni walang inatupag kundi siraan ng iba,
Bakit ba nabubuhay tayo sa mundong pala-husga,
Masaya ba?,
O ginusto mo lang makisawsaw para gumawa ng eksena,
Bago lang ako sa pamilya mandirigma,
Pero kahit kailan alam ko ang aking ginagawa,
Sinusuportahan ko sila dahil sa totoo lang sila,
Nakakatuwa,
Nakakalig sila,
Pero yung ginagawa nyong pagsira,
Hindi na yata tama!,
Simulan natin ang kwento kay kuya jayzam,
Na walang ginawa kundi magbigay ng ngiti na ating inaasam-asam,
Mga ngiting senyales ng pagod na hindi natin alam,
Kung saan nya hinuhugot makalimutan lang natin ang gutom para makapagbigay sa ngiti sa sikmurang kalam,
Tapos kapag may balitang kumalat,
Sumasali na kayong lahat,
Gagawan na ng kwento at pamagat,
Para pumukaw ng atensyon at sa jamill magbigay lamat,
Hindi ba kayo nahihiya sa pinaggagawa nyo,
Masyado na bang makapal yang balat nyo para maramdaman ang totoo?,
O masyado kayong nagbubulag-bulagan kase alam nyo na nga ang totoo,
Pero binabaliktad nyo,
At naniniwala kayo sa mga manloloko!,
Hipokrito,
Mga indio!,
Nagpapalinlang sa mga makasalan sa bayang ito,
Na hindi inaalam ang kwento,
Sunod naman sa kwento,
Si ate camille na tinatawag nyong multo,
Alien at kung ano-ano,
Dahil sa puti itsura At sa ika-anim na daliri nito,
Kasalanan nya bang maging ganun sya,
Kasalanan nya bang mas maputi sya kesa sa inyo huh!,
Ginusto nya bang magkaroon sya ng kakaibang karanasan?,
Diba hindi naman!,
Bakit panay kayo puna,
Bakit panay kayo husga,
Hindi porket may nagawang isang mali ang tao,
Tatadtarin nyo na hindi na dapat sinusuportahan ng iba to,
Dapat nga tinutulungan nyo sya,
Hindi yung binababa nyo yung kalidad porke may nagawa sya,
Tama ba?,
O tama ako talaga?,
Pilipino kayo diba?,
Pero bakit nagsisiraan tayo sa isang kasalanan na kaya namang mabago ng iba,
Kung kaya lang siguro natin maging isa,
Hindi bababa yung tingin satin ng iba,
Nakakalungkot lang na tinuring tayong masayang bansa,
Pero ginagawa nyong nakakaawa,
Dahil sa siraan na akala nyo perpekto kayo sa pagpuna,
Isa ring pagpapa-alala,
Na tinanggihan ng jamill ang oportunidad na magjng artista,
Kase masaya sila sa kanilang ginagawa,
Hindi nila gustong maging mas makilala pa,
Dahil masaya sila na may pamilyang mandirigma,
Na kayang ipagtanggol at ipaglaban sila,
Kaya sa mga maliliit yung kokote dyan na ang alam ay manira,
Karma na ang bahala,
Mahirap magsalita,
Kung hindi nyo talaga alam ang totoo sa kanilang pinag-gagawa,
Mag-ingat sa maling balita,
Baka ikaw na ang sumunod na makilala,
At baka di mo kayanin ang ilang libong kantyaw at puna,
Dahil mahirap maging biktima!,
Kaya tumigil ka sa ginagawa mong akala mo tama na,
Kase ikaw rin ang masisisi kapag nahuli ka,
Itigil nyo na ang pagbabalita ng walang katuturan,
Wala namang magandang naidudulot yan,
Hindi nyo naman nakakaen ang ilang libong likes o shares ng ilan,
Pakiusap wag nyo na guluhin ang buhay ng jamill kailanman,
Dahil naniniwala ako,
Na kahit anong sira ang gawin nyo,
Hindi matitibag ang pamilyang mandirigma na patuloy na nabubuo,
Lahat ng pamilya mandirigma!,
Isang malakas na Ahu! AHU!
Para sa jamill,
PATULOY PARIN KAMENG SUSUPORTA KAHIT MARAMI NG KUMALAS SA PAMILYA!
Mahal namin kayo,
Walang mababago!
#Jamill 🌸
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas
2018
#SpokenWordPoetry ❤
![](https://img.wattpad.com/cover/148167995-288-k161379.jpg)
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Şiir"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...