"AALALAHANIN KO MUNA LAHAT BAGO KITA TULUYANG KALIMUTAN NA 💔"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Para to' sa mga taong kaya ng mag-move on •
••••••
Mahal, naalala mo pa ba?
Ay mali naalala ko lang pala
Yung mga araw na sa twing pag gising ko ng umaga
Ikaw ang bumubungad para manga-musta
Kung kumaen na ba ?
Ano aking ginagawa ?
Naalala ko rin yung paulit-ulit kong ini-intindi
Yung bawat rason ng aking ngiti
Na ang dulot ay yung pagkuha mo sakin ng kiliti
Hanggang sa tumindi~
Naalala ko rin yung panahon na
Sa panalangin ko kasali ka
Bawat sambit ng sweet na kataga
Ay nagdudulot sakin ng saya~
Naalala ko rin yung palihim akong umaasa
At pasimpleng nagpapa-halaga
Sa kagaya mong aking nakilala
Na si kupido ang tunay na may sala
Ng bawat aking pag-tawa~
Naalala ko rin nung gabing nakita ka
Para bang isa kang karakter na lumabas sa istorya
Di ko magawang maka-tingin sa yung mga mata
At pawang katahimikan lang ang tugon sa twing akoy iyong tinititigan na~
Naalala ko rin nung akoy ninakawan mo ng halik
Yung para bang ikaw ay sabik na sabik
Kahit di ka naman marunong humalik
Grabe ka sobra mong matinik~
Pero naalala ko rin nung makalipas na gabi pa
Yung kumakalas kana
Sa relasyon nating di ko alam ang rason bakit nga ba?
Namumugto ang aking mata
Sa kakatanong sa sarili ko ano nga ba aking nagawa?
May mali ba sa kagaya ko?
Pangit ba ko?
Kapalit-palit ba ko?
Kung 'OO' Wag ka naman munang sumuko
Mag li-liptint lang muna ako
Kung di sapat ang liptint, dadagdagan ko aking pulbo
Pero kung kulang parin wag naman ganto~
Wala naman rason para mapagod yung kagaya mo
At mawala ang 'TAYO'
Mahal naman diba nangako tayo
Diba tutuparin pa natin yun?
Pero bakit ginagawa mo sakin to ngayon?
Hindi rason yung ayaw muna
Gusto ko ng valid reason bukod sa salitang sawa kana
Sabihin mo nga kung may kulang ba?
O sadyang may IBA KA!?
Pero muli kong naalala
Wala na nga pala tayong dalawa
Wala ng rason para masaktan pa
Gusto ko lang talaga alalahanin yung may ikaw at ako pa
Sa mundong di ko alam kung kaya ko pa?
Mukhang naalala ko na lahat ng dapat kung maalala
Sige ~ KAKALIMUTAN NA KITA.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
![](https://img.wattpad.com/cover/148167995-288-k161379.jpg)
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poésie"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...