"MAHAL KITA! PERO DI KO PA KAYANG IPAGMALAKI KA!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Trivia lang mga ka-dinosaur nasulat ko tong tula na ito dahil sa ex kong hiyang-hiya sa relasyon meron kame noon •
• At itong tulang ito~ ay para rin sa mga taong duwag' ipakita ang tunay na nararamdaman dahil takot mahusgahan ng iilan •
••••••
Isa daw sa pinaka-masayang bagay sa mundo
Yung mahawakan yung kamay mo
Sa harap ng maraming tao
At ipagmalaki yung~ KAYO!
Gustong-gusto ko
Makahanap ng ganong lalaki sa buhay ko
Bubuo ng naisin ko
Tutupad sa mga sign na alam ko~
Yung para bang walang agam-agam sa isip at puso nito
Na ako yung pinili nya sa kahit sino
Dito sa pitong bilyong tao~
Sa ginagalawan nating mundo!
Sa mahigit kumulang isang buwan
Na paghihintay ng aking kapalaran
Dumating ka mahal ng di inaasahan
Kumatok sa aking puso at agad kitang pinagbuksan~
Wala ng tanong-tanong kung bakit ako!
Basta sinabi ko nalang sa puso ko
Handa kana ba magmahal~ Ngayong araw nato?
Tumibok lang ito at alam kong Sagot ay~ OO!
Sa madilim na kalangitan
Na pinamumugaran ng ilang talang nagnining-ningan
Humiling ako ulit sa kapalaran
Sana sya na yung lalaking hinahanap ko simula una palang
Proud na proud ako
Simula nung sabihin ko yung salitang "OO"
Hudyat ng sagot sa panliligaw nito
Tinanong nya ko
Kung kaya ko ba daw syang ipagmalaki kahit kainino
Sumigaw ako ng malakas at sinabing "OO"
Pinakilala ko sya sa ilang barkada ko
Kaklase at pamilya ko
Alam kong di ako pang-rampa
Sa harap ng mga may itsura nyang tropa
Pero ito ako~
Kinakapalan ang sarili ko
At pinaniniwalang proud sa kung ano ako
Kung di man nila ako tatanggapin ng buo
Okay lang ito lang naman ako~
Hanggang sa dumating na ako naman ang nag-tanong dito~
"Ikaw mahal handa kana bang ipakilala ako~"
Nanahimik sya habang nakayuko
Tuloy parin ako sa pag kukwento ng kung ano-ano
Hanggang sa muli nyang tinuon
Sakin yung kanyang atensyon
At sinabing~
Mahal! Maari mo bang tanggalin
Yung pinaskil mo na patungkol sa atin
Nahihiya man akong aminin
Pero mahal siguro di pa to oras para satin~
Napa-isip ako ng ilang minuto
At ngumiti pabalik sayo
Sinabing wag ka mag alala mahal ko
Ayos lang naiintindihan ko
Ganyan din ako nung una sa sarili ko
Pero nasanay narin ako
Sabihin mo lang sakin kung kailan handa kana~
Para mahanda kuna rin yung sarili kong makilala sila
Sa puntong yun napaluha sya
Hinagkan ako ng mahigpit na yakap nya
At humingi ng pasensya
Napabuntong hininga at sinabi sakin na
'MAHAL KITA~ PERO DI KO PA KAYANG IPAGMALAKI KA.'
Ngumiti muli ako
Pinunasan ang luha nito
At sinabi ko
Ayos lang mahal ~ makakapag-hintay naman ako.
••••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poesía"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...