MAKATANG DINOSAUR POETRY #9

34 4 0
                                    

"KAHIT KAILAN HINDI AKO MAGIGING SILA 💔"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Para sa mga babaeng laging kinu-kumpara sa iba •
••••••
Mahal ipapa-alala ko lang sayo
Simpleng tao lang ako
Ni hindi nagla-lagay ng kolorete at kung ano-ano
Gusto ko sa lahat ng anggulo ko
Natural lang ako
Pasensya kung hindi ako nagla-lagay
Ng tina-tawag nilang kilay
Hindi sa hindi naman ako marunong mag-lagay
Gusto ko kase natural lang dahil yon' ang sakin naba-bagay~
Pulbo at lip tint lang meron ako
Basta mu-murahin go na go ako
Hindi sa walang pera ako
Mahirap kase mag hanap ng pera gagastos paba ko?
Hindi rin ako yung babae na
Handang ipakita ang balikat at iba-balandra
Hindi rin ako mahilig sa mai-iksing short o kaya naman palda
Hindi ako yung babaeng mag li-lips stick ng makapal
Na akala mo sinampal,
Hindi rin ako yung babaeng mahilig mag ayos sa harap ng salamin
Basta matuyo lang buhok di ko na iintindihin
Magla-lagay lang ako ng pulbo at Liptint
Pag-katapos wala ng iisipin,
Hindi rin ako yung babaeng matagal kumilos
Yung isang oras mag ayos
Na tipong sya at salamin nalang ang nag-tu-tuos~
Kaya mahal pasensya
Kung bakit lagi mo kong tinanong na bakit di ka kagaya nila
Kahit sambitin mo pa ang salitang mag-ayos ka pa
Pumorma ka pa
Mag lipstick ka ng makapal pa
Manamit ka ng nakaka-akit sa mata
Patawad! Di ko talaga magagawa
Kung ayaw mo sa kagaya kong simpleng tao
Marahan ka ng bitawan ako
Dahil kahit anong mangyare
Hindi ako magiging kagaya nilang babae
Ganto kase ako pinalaki
Kaya sana intindihin mo yung desisyon ko na hindi mo mai-intindihan dahil isa kang lalake
Kahit pilitin man ako ng iba
Kahit ilang tao pang ipursige akong mag-ayos pa
Hindi ko sila susundin dahil ito ang tunay na GANDA
At ako ay nangangako na;
KAHIT KAILAN HINDI AKO MAGIGING SILA.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoerty ❤

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon