MAKATANG DINOSAUR POETEY #5

26 9 0
                                    

"AKO ANG NILOKO MO, KAYA WAG KANG UMASTA NA IKAW ANG BIKTIMA SA KWENTO!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
(Para sa mga niloko tapos binabaliktad na masama sa ibang tao!)
•••••
Hindi ko na papatagalin ito,
Wala na kong intro-intro,
Dahil handa na kong isiwalat lahat ng totoo,
Sa sinimulan at tinapos na kwento,
Alam kong di lang ako ang nakaranas ng ganto,
Pero sana damayan nyo ko,
Kase gusto kong talikuran na ang kagaguhang ito,
Hi mahal siguro naman naaalala mo pa ko?,
Ako tong gumawa ng istroyang puno ng kilig , saya at kung ano-ano sa binubuo nating kwento,
Mahal' naalala mo pa ba yung sinabi mo na ayaw mong nasasaktan ka?,
Dahil sawa ka ng saktan ng iba,
Ngayong nandito na kona handang damayan ka,
Na ginagawa lahat para makampante ka,
Na sinusubukan ang lahat para lang sumaya ka,
Bakit parang di ko maaninag na natutuwa ka?,
Halos oras-oras kinakausap naman kita,
Kahit maiksi ang sinasagot mo ako to pinagpapatuloy pa,
Gumagawa parin ng paraan kahit nag-aalangan na,
Mahal , mahal kita!,
Ayokong mapunta ka sa iba,
Kaya nga pinagsasabay ko kayo ng pagod , sakripisyo at aking nadadama,
Para lang hindi ka mapunta sa iba!,
Mahal sabi ko maghahanap lang ako ng trabaho,
Isang oras lang mawawala kaya sana maintindihan mo,
Babalik ako agad panigurado,
Pero sana may babalikan ako,
Pero "K" Lang ang sagot mo,
Sambit ko ng marahan,
Sa paraang iyong maiintindihan,
Pero mukhang di mo naman nauunawaan,
Suyo ako ng suyo pero bakit sambit ng utak kailangan ko ng kumalas ng marahan,
Pero pinanigan ko ang puso ko,
Kase mahal kita,
Iniisip kita,
Isang araw nagpalitan tayo ng mga account sa isat-isa,
Para masabi mong seryoso ka talaga,
Tahimik akong natuwa,
Patagong kinilig , sumaya,
Binigay mo ang account mp,
At pinaubaya ko naman ang akin para di ka mag taka!,
Sa pagpindot ko palang sa telepono ko,
Parang may iba,
Parang may kwento sa lahat ng pahina,
Bumukas na,
Sambit ko na may pungay ang mata,
Kaya ang tuloy diretso sa mensahe nya,
Hanggang sa isang mensahe ang nakatawag pansin saking mata,
Ano to!,
Bakit ganto?,
Teka hindi ko naiintindihan ano ba to?,
Patago kang lumalandi sa iba kahit alam mong meron pang tayo,
Kahit masakit patuloy parin sa pagbasa,
Mahaba-haba ang usapan nyong dalawa,
Gusto kong magwala,
Gusto kong sumigaw pero alam kong lahat ng iyon wala ng magagawa,
Bakit baliktad ang kwento,
Bakit iba ang sinasabi mo,
Oo nagiging busy ako pero minuto , oras at hindi araw bakit ganto?,
Bakit tingin mo sakin landi lang ang hatid sayo,
Tang ina mo seryoso ako!,
Nasa ikatlong kabanata palang tayo,
Pero bakit parang gusto ko ng tuldukan ang kwento,
Mahal! Bakit ganto~
Sambit mo wala landi lang yun walang malisya,
Kaya wala akong dapat ipag-alala,
Pero gago kaba!,
Sino ba matutuwa na may syota kana,
Lumalandi kapa sa iba!,
Dagdag mo pa na lalandiin ka lang nila pero si mo sila papatulan,
Gusto ko sanang paniwalaan,
Pero iba ang alam ko sa sinasabi mong kasinungalingan,
Ikaw yung lumalandi sa kanila,
Hindi sila yung lumalandi sayo tanga ka!,
Kapag itigil na natin tong dalawa!
Sawa na kong intindihin ka,
Nawala narin yung tiwala,
Na dapat mong madama,
Kase MALANDI KA!,
Isang araw ang lumipas may nabasa ako,
Ayaw mo mag-jowa ng di alam ang salitang TIWALA!,
Pero ikaw naman ang naging dahilan para layuan ka,
Naghahangad ka ng seryosong jowa,
Pero makuntento sa isa di mo magawa!,
Aralin mo muna ang makontento sa isa,
Bago ko muling ibalik ang tiwala,
Wag kang magpost para humingi ng simpatya ng iba,
Para kaawaan ka,
Kase magmumukha ka lang tanga kapag nagtago ka pa sa likod ng iyong maskara,
Ang kapal mong umasta na agrabyado ka dito,
Eh tarantado ka pala gago!,
Para ipaalala ko sayo,
AKO ANG NILOKO MO,
KAYA WAG KANG UMASTA NA IKAW ANG BIKTIMA SA KWENTO!
•••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry 💔

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon