"WAG MONG SASAKTAN ANG PUSO NG MGA MAKATA 🌵❌"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
(Kapag nag-mahal ka ng makata! Panigurado na di mo sya masasaktan para wala kang tula kana-umagahan.)
••••••
Para sa mga kagaya kong makata
Ang nau-ubos lang dapat satin ay tinta
Papel na napupuno ng samot saring tula
At hindi ang ating tiwala~
Pero paano ba naman hindi mau-ubos yung ating mga tiwala
Kung may mga taong pilit tayo pa-pasukin gamit ang mabulaklak nyang salita
At kapag nagawa nya ng pasukin ang puso ng kagaya nating makata
Eh babaliwalain na~
Kaya nga ang hirap na mag-bigay ng tiwala
Kase palagi nalang naba-balewala
Pilitin mo mang mag-mahal ng tapat
Gagawa parin sila ng paraan para makapag-iwan ng sugat~
Tapos sisisihin kaming lahat
Na wag kang magmamahal nag makata, sapagkat;
Pag nag-hiwalay kayo may natatangi kang pamagat!
Pasensya huh! May naiwan kaseng sugat
Hindi kase kame makatang dapat pinag-e-eksperimentuhan
Lang ng kagaguhan
Sasabihing di nyo iiwanan
Pero kinabukasan
Hindi nyo rin tutuparin yung inyong pinangakuan~
Pasensya nag-mahal ka kase ng makata
Kung di ka nagpumilit sumiksik sa istorya
Malamang di ka namin magagawan ng tula
Na ikaw ang bida~
Ikaw ang may sala~
Ikaw ang hindi dapat binibigyan ng halaga~
Nananahimik kaming mga makata
Na lumalamon ng ibat-ibang sakit ng bansa
Yung tipong kahit hindi namin karanasan gagawan namin ng tula
Lumu-lunok kami ng ibat-ibang sakit
At kahit medyo di masarap sa panlasa lu-lunukin parin namin kahit mapait
Alam mo ba kung bakit?
Kase gusto namin maging manhid sa dumadating na~ SAKIT!
Wag kang mag rereklamo
Na maga-gawan ka namin ng kwento
Simula nung nagkakilala at iniwan nalang mga kagaya ko
Mga makata kame na nais lang ng pantay na trato
Yung walang halong pang-ga-gago
Kaya nais namin mag sabi ng totoo
Gamit ang tulang walang halong imbento~
Masasaktan ka pero kasalanan mo
Maiinis ka pero kaga-gawan mo
Mapapamura ka dahil lahat ng sasabihin namin ay totoo
Maaring mapaluha ka pero nararapat lang sayo~
Tandaan mo na wala kayong karapatan
Manakit ng taong may pinaghuhugutan
Kung ayaw nyong masaktan
At makaramdam ng kalungkutan
At dismaya sa bandang duluhan~
Wag kang maiinis kung iku-kwento ng mga makatang gaya ko
Ang dahilan ng sakit na binigay mo
Simula una hanggang sa dulo
Simula panliligaw hanggang pag suko
Simula pag kapit mo Pati rin sa pag bitaw sa salitang 'TAYO'
Lahat maaari naming ikwento
Dahil malaya tong bansang meron tayo
Na ginagalawan ng ikaw at ako
Na puro kasinungalingan nalang at di na natin alam ang totoo~
Kaya kung ayaw mong magawan ng masasakit na tula
Kwentong ikaw ang bida
At istoryang nakaka-intriga
Pwes~
WAG MONG SASAKTAN ANG PUSO NG MGA MAKATA.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Şiir"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...