"AKO BAHALANG GUMALAW BASTA MAKITA LANG KITANG NALILIGAYAHAN ❤"
Ni : Christian Ivan Miguel Arostella-Dimas 📝✨
• Medyo rated SPG •
📃
Wag ka ng kumilos ako nalang magbababa
Lahat ng sinuot mo tatanggalin ko na
Marahan ko ng aalisin wag ka lang mangamba
Sakin magtiwala ka
Mabilis lang to , kumalma ka!
Pero kung magugustuhan mo sasarapan ko pa,
Ibabaon ko na~
Ayan na~
Ugh napaka-sarap talaga~
Atras abante man para na kong tanga
Nababaliw sa sarap ng aking ginagawa
Ayoko ng tanggalin pa
Ito na lalabas na
~
Nakalabas na
Sa susunod ulit nating pag tu-tuos dalawa
Handa parin akong paglingkuran ka
Mahal kong prinsesa.
📃
'WAG KA NG KUMILOS AKO NALANG MAGBABABA'
Ng mga gamit na mabibigat para di kana mahirapan pa
Manatili ka lang dyan sa taas sa kung anong iyong ginagawa
Ako na dito sa baba~
📃
'LAHAT NG SINUOT MO TATANGGALIN KO NA'
Sa labahan para masampay ko na
Alam kung pagod kana
Kaya sige mag pahinga kana
Ako na bahalang magbanlaw ng iyong nilabahan
Dahil ayokong sobrang mapagod ka na naman~
📃
'MARAHAN KO NG AALIS WAG KA LANG MANGAMBA'
Lahat ng natuyong damit sa sampayan tatanggalin ko na
Kung inaakala mo di ko kaya
Nagkakamali ka~
📃
'SAKIN MAGTIWALA KA'
Hindi rason para hindi ko rin makaya
Ako paba?
Kung di ko man iyon makaya
Eh di napaka wala ko namang kwenta~
📃
'MABILIS LANG TO KUMALMA KA'
Ayan nakuha ko na lahat ng sinampay kanina
Ngayon magluluto na ko para sating dalawa
Kaya sana magustuhan mo ang ihahain ko mamaya~
📃
'PERO KUNG MAGUGUSTUHAN MO SASARAPAN KO PA'
Para sayo gagalingan ko sa kusina
Makapag luto lang ng masarap na kakainin natin mamaya
Basta sabihin mo lang kung yung luto ko ay 'ok ba?'~
📃
'IBABAON KO NA'
Ang 'TAMAD' na salita
Dahil gusto kitang pagsilbihan ka
At ituring na reyna
📃
'AYAN NA'
Tapos ko na ang niluto ko kanina
Paborito mo to kaya sana swak sa iyong panlasa
Sabihin mo kung tama ba
Lahat ng rekado at aking timpla
Akin ring titikman para malaman kung masarap ba talaga~
📃
'UGH NAPAKA-SARAP TALAGA'
Bukod sa niluto ko para sa kanya
Ang sarap din kase kasama ko pa sya
At mukhang nagustuhan nya
Kaya akoy masaya~
📃
'ATRAS ABANTE MAN PARA NA KONG TANGA'
Dahil panay balik ko sa kusina
Para sumandok pa
Ng niluto ko dahil gustong gusto nya
Ako'y natutuwa~
📃
'NABABALIW NA SA SARAP NG AKING GINAGAWA'
Para mapag silbihan lang ang aking diwata
Hindi ako mapapagod para sa kagaya nya
Dahil kahit araw araw gagawin ko parin to sa kanya~
📃
'AYOKO NG TANGGALIN PA'
Ang 'KASIPAGAN' na salita
Dahil ayokong pati sya
Sakin ay mawala~
📃
'ITO NA LALABAS NA'
Dala ang pagkaeng gusto nya pa
Kaya nilapag ko na sa mesa
Para muli nya pang malasap ang sarap ng niluto ko kanina~
📃
'NAKALABAS NA'
Pero ilang minuto naubos na naman nya
Kahit na matakaw sya
Mahal na mahal ko parin ang tulad nya~
📃
'SA SUSUNOD ULIT NATING PAGTU-TUOS DALAWA'
Kaldero , sandok , sa kusina
Tulungan nyo ulit akong makagawa
Ng pagkaeng masarap mamaya
Para ganun ulit ang eksena
Masaya sya at ganun di ako sa kanya~
📃
'HANDA PARIN AKONG PAGLINGKURAN KA'
Kahit medyo ako'y napapagod na
Kase ito naman aking sinumpaan nung una
Na akong bahala sayong magpahalaga~
📃
'MAHAL KONG PRINSESA'
Sana wag kang mapagod sa relasyon nating dalawa~
Sana di mo ko pagsawaan
Sana wag mo kong iiwan
Dahil gagawin ko lahat mapagsilbihan ka lang
Ng pinangako kong~
AKO BAHALANG GUMALAW BASTA MAKITA LANG KITANG NALILIGAYAHAN.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poésie"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...
