"PWEDE BANG AKO NALANG ANG HABAEK MO?"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
••••••
Ang sarap gayahin ng isang tao,
Lalo na kapag may kapangyarihang taglay ito,
Idagdag pa na isa syang hari sa malayong baryo,
O di naman diyos na di alam kung saang parte ng mundo,
Ako si habaek ang panginoon ng tubig,
Siguro magmumukhang tanga ako at wala saking iibig,
At kung meron man sakin dumidinig,
Pwede ka bang sa kagaya ko umibig?,
Hindi man ako diyos na katulad ni habaek na iniidolo ko,
Pero gagawin ko lahat mapasagot ka lang ng "OO",
Mahirap ipa-intindi sa normal na tao,
Lalo na kapag kakaiba ang tono nito,
Maniniwala ka kaya,
Kapag sinabi kong kaya kong gumawa ng himala,
Gamit ang sarili at tiwala,
Sa mga kumpas lang ng kamay ko akin yang ipapakita,
Naniniwala ka ba na kaya kong gawing ginto,
Ang mga nagtitigasang bato,
Gamit lang ang kamay ko,
Paniniwalaan mo kaya ako,
Maniniwala ka rin ba na kaya kong gumawa ng tubig sa loob ng isang minuto,
Yung tipong pipikit ka lang at hahawakan ako,
Hindi ka malulunod kundi sa ilalim ng tubig makakahinga ka ng ayos,
Tandaan mo,
Ako si habaek ako ang panginoon ng tubig at isa akong diyos,
Pero ako! Isa lang akong normal na tao,
Na kayang magpaka-super hero,
Mabigyan ka lang ng ngiti sa labi mo,
Alam kong di ka naniniwala sa pinagsasabi ko,
Na kaya kong lumikha ng mahika,
Pero maaari mo ba kong samahan para gumawa ng himala,
Nakikiusap ako na kapag ako ang pinili mo,
Ipaparanas ko ang tunay na mundo,
Hindi kita ituturing na mundo ko,
Dahil pantay lang ang magiging trato ko sayo,
Simpleng tao lang ako,
Hindi ko kayang gumawa ng mabilisang pera,
Dahil ang kailangan ay sipag at tyaga,
Hindi ko kayang gumawa ng tubig sa loob ng isang minuto pero,
Handa kitang ipaagos sa alon ng puso at pagmamahal ko,
Simpleng tao lang ako,
Na umi-idolo sa isang sikat na tao sa mundo,
Nagpapanggap maging sya dahil nagbabaka sakaling matagpuan ko na ang Lara ko,
Pero maaari bang ikaw nalang ang Lara ko?,
Kapag ako ang pinili mo,
Handa kong gawin lahat para lang sa dalawang letrang sasabihin mo,
Handa akong mahirapan sayo,
Basta ang katapusan nito ang matamis mo na "OO",
Mahihirapan man ako,
Pero asahan mo na di ako susuko sayo,
Pero bago yun maaari ko bang makilala ang magulang mo?,
Liligawan ko muna sila para makampante sila na totoo ako sayo,
Pagpayag lang naman nila ang hinihintay ko,
Tapos sunod na yung sayo,
Tatanungin kita ulit binibini ko,
Maaari ka bang maging Lara ko?,
At PWEDE BANG AKO NALANG ANG HABAEK MO?,
Kahit normal na tao lang ako?
•••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry 💔

BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poetry"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...