MAKATANG DINOSAUR POETRY #20

23 2 0
                                        

"WALA KAYONG PAKI-ALAM KUNG BAKLA AKO!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
#MillenialsChoicePoetry ✔
•Para sa lahat ng taong ginawang hanap buhay ang manglait ng sekswalidad ng parte ng lgbt •
••••••
Bakla ka kase?
Nagfe-feeling kapang babae 
Eh wala ka namang P*pe!
Bawal dito bakla sa mundo!
Dapat sa inyo sinu-sunog hanggang sa maluto!
Mga salot kayo sa lipunan
Bakit pa kayo hinahayaang samin ay makipag-sabayan
Mga nanamantala ng lalake
Katas ang karaniwang putahe
Dapat sa inyo pinapatay
Ng wala ng salot sa aming buhay!
Ilan lang yan sa naririnig namin sa pang-araw-araw
Dito sa mundong ibabaw
Na puro kasakiman
At kasalanan 
Di naman namin ginusto ang gantong bagay
Di naman namin hinangad na samin ito ay mailagay!
Hindi ito epidemya o sakit na nakakahawa
Kaya bakit nyo kame pinandidirihan at kinukutsya
Hindi kame salot sa sarili naming bansa
May pusot naisin kami na nais maisakatuparan sa bansa
Hindi kame marurumi na gaya ng inyong iniisip
Bakit hindi nyo subukang umagos sa ihip
Ng malaman nmang ganda ng aming panaginip
Wag nyo kameng pagtapak-tapakan
Dito sa sarili naming bayan
Bakit pag nagpakalalake ba kame?
Uunlad na ang ginagalawan mong bayan!
Kung puro paninira
Gamit ang makasalanan mong salita
Na bawat buga ng letra
Ay pag bagsak naman ng ekonomiya!
Hindi nyo alam ang sakripisyo namin 
Para ituring nyo ang pagiging BAKLA ay krimen
Hindi nyo alam na sa likod ng masayahing kame
Ay may lungkot sa ngiti
Akala nyo masaya kame
Pero hindi
Pwede bang maging isa tayo?
Mag-tulungan sa sariling bansang ito?
Isang lahi para sa mundo!
Walang kasarian o kung ano-ano!
Palawakin lang ang ating isip
Bigyang pansin lahat ng pag-iisip
Dahil kahit ano pang panlalait nyo
Ito kame tatayo sa harapan nyo
At paulit-ulit ipapa-intindi sa isipan nyo
Na kahit ano pang kutya ang gawin nyo
Wala kayong paki-alam kong BAKLA ako!
••••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon