"ROSAS SA REHAS"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Kapag alam mo ang tama gawin mo ang nararapat para makuha mo sya, pero kung wala na talaga suko kana kase ikaw ang magiging kawawa •
•••••
Para ito sa mga taong patuloy kumakapit
Sa kasinungalingan ay nakasabit
At ang pangako ay lagi paring bitbit
Kahit sobra ng sakit.
Mahal naalala mo pa ba ako?
Ako ito si rosas yung kinalimutan mo
At nakulong dahil sayo
At iniwan nalang sa kasalanang nagawa ko
Isinulat ko itong tula aking mahal
Habang ako ay nakahawak sa rehas ng bakal
Na nagmumuka ng hangal
At umaasang isang araw
Sakin ikaw ay dadalaw.
Mahal gusto na kitang mahagkan,
Mga kamay mo muli kong mahawakan,
Sarili ko akin lang pinaglaban.
Pero bakit ako ang nakasuhan.
At nakulong dito sa bilanguan
Na pinagsisisihan ang hindi ko naman kasalanan!
Hayaan mong ikuwento ko
Ang nangyaring totoo
Buwan ng agosto
Ito ay ating anibersaryo!
Sabi mo magkikita tayong dalawa
Sumipot ako sa pinangakuan mong plaza
Mga labi ko ay sobrang pula
Pero sa isang banda
Imbis na akoy matuwa Sa aking nakita
Mas lalo pang nang-init aking mga mata
Si bes kasama mo at kayo'y naghahalikan pa!
Sa tagong sulok sa plaza
Pansin kong di mo alintana ang kanyang romansa
Lumapit ako ng bahagya
At naghudyat na makaramdam naman kayong dalawa!
Ako ito si rosas ang babaeng nauna
Nauna sa istorya
Pero bakit lumalabas na ako ay PANGALAWA!
Sa sobrang galit ko
Si bes kinausap ko
At harap harapang sinampal ko sa harap mo?
Anong nagawa ko para lokohin mo?
Dahil ba panget ako kaya ganto
Kaya nagagawa mong pagtaksilan ang tulad ko
At ito pang si bes ang pinagpalit mo
Mga usiserot-usisera ngayon ay dumarami na
At nanood ng mala eksena na telanovela
Sa isang pelikula
Na lumalabas ako ang KONTRABIDA
At yung babaeng hangal nagmimistulang BIDA
Pinapili kita kung sino saming dalawa
Ang gusto mong makasama
Pero imbis na piliin mo ako sumama ka sa kanya
Sa inis na aking nadarama
Yung haliparot na kasama mo ay aking naitulak ng bahagya
Na mula sa ikatlong palapag
Sya ay nalaglag
Ako ay natulala!
Sa aking nagawa!
Mga tao sakin lumalayo na para akong isang sakit na nakakahawa
Isang epidemya na dapat di tularan ng iba
Nagsisimula na silang ako'y husgahan
Na kesyo isang makasalanan
Sa ating bayan
Na dapat makulong sa bilangguan!
Nilapitan kita mahal
Pero ako ay iyong sinabihan na HANGAL!
Inalisan at di man lang dinamayan.
Mga tao sakin tuloy-tuloy parin ang husga
At ako ito kahit anong oras ay sasabog na.
Dumaan ang ilang minuto mga pulisya akoy dinampot
Sa mga posas ang kamay ko ngayon ay nakapulupot~
Wala akong kasalanan!
Yung mahal ko akin lang naman ipinaglaban
Pero di ako pinaringgan
At patuloy lang sa paglakad hanggang makarating sa sasakyan.
Mahal sana sa tula ko
Kahit kamusta magparamdam ka
Kase hanggang ngayon mahal parin kita
Patuloy parin ako nakahawak sa pangako mo
Na ako ang babae na sobrang ganda
At ipapakilala sa dios' amang lumikha.
Kahit umiiyak ako sa paggawa nitong tula
Mahal sana naman ako ay iyong maalala~
Mga alaala nating dalawa
Lahat iyon ay sariwa pa.
Sana dalawin mo ko kahit isang oras
Para makahingi ako ng paumanhin sa ginawa kong dahas
Sa relasyon nating nagwakas.
Ako ito sa ROSAS na nasa REHAS.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poezja"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...
