MAKATANG DINOSAUR POETRY #17

20 3 0
                                    

"PASENSYA KANA!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
// Broken si dinosaur xD //
••••••
Hi mahal
Patawad dahil pagod na kong sayo'y maging hangal
Siguro nga tama sila na di na tayo magtatagal
Bawat salita ako na ay nauutal
Gusto kong humingi ng paumanhin
Sa relasyon na ating tatahakin
Pakiusap sa tula ko wag kang iiyak sakin
Dahil ako ay di karapat-dapat na mahalin.
Mahal maganda ka
May itsura ka na hangad ng iba
Kinahahangaan ka
Dahil sikat ka
Oo aminado ako na ginawa kitang mundo
Kahit alam kong isa kang tao
Kaya ako ay nasaktan ng todo
Simula nung makita kong may ibang kayang magpasaya sayo.
Mahal sinubukan kong kumapit
Pero ang puso bumibitaw na ng pilit
Dahil sobra na sa sakit
Gusto pa kitang yakapin ng mahigpit~
Pero ayoko ng maging tanga ulit.
Kaya mahal patawad sa gagawin ko
Papalayain na kita kung iyan iyong gusto
Ayoko ng maging gago
Sa istoryang sinimulan ko
Kaya mahal bibitaw na ko sayo
Paalam prinsesa ko 
Salamat sa mga alaala mo
Hinding-hindi ko malilimutan ang kagaya mo
Na minahal ko ng totoo
Sana maging masaya ka sa kanya
Dahil ngayon bibitawan na kita
Di ko na to papahabain pa
PASENSYA KANA.
•••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas Citu
2018

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon