"ILAW NG TAHANAN"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Happy Mother's Day sa lahat ng ating mga ulirang ina. •
•••••
Isa,
Dalawa,
Tatlo,
Apat,
Lima,
Anim,
Pito,
Walo,
Siyam,
Sampu,
Simulan natin ang kwento gamit ang pang-huling numero,
Na nabanggit ko mula isa hanggang sampu,
Sampu!,
Sampung beses inulit-ulit ni ama,
Na sana lalaki ang mailuluwal ni ina,
Pero sambit nila,
Na kahit ano ang lumabas pa,
Mamahalin nila,
Siyam!,
Siyam na buwan ako dinala ni ina bitbit sa tiyan,
Sa kanyang sinapupunan,
Alam ko ang hirap na kanyang nararamdaman,
Kaya sambit ko na akin yung susuklian,
Walo!
Malaki na ko'
Edad-walo,
May isip na at alam na ang ginagawang desisyon ko,
Kaya di ko akalain na makagagalit ko ang magulang ko,
Pito!,
Pitong beses na nakatikim ng pang-hampas,
Na sa balat parating dumudulas,
Mga panahong di ko alam ang oras,
Habang binibilang an daming naramamdamang dahas,
Para akong makasalanan na kinukulong sa rehas,
Anim!,
Anim na taon na ang lumipas mula sa nakaraan,
Katorse anyos na ko ngayon sa kasalukuyan,
Hindi parin mawala yung sakit na aking naranasan,
Yung tipong binubuntong na bakit pa ko sinilang dito sa aking inaapakan,
Lima!,
Limang pamalo ang muling dumampi sa aking katawan,
Kawayan,
Takure na walang bitbitan,
Tsinelas na kung saan napulot man,
Hangger sa walang hinto kung makapanakit sa aking katawan,
Luha at alingawngaw lang ang aking naibibigay na kasagutan,
APAT!
Mga paliwanag na hindi talaga sa kanila sapat,
Kaya pamalo ang ilalapat,
Pamilyang naisin ang salitang tapat,
Sapagkat;
Tatlo!
Edad labing pito,
Kasalanang nag-patindi ng sama ng loob ko,
Kaya inasikaso ang lahat ng gamit ko,
Nag-impake at nagpaka-layo layo,
Sa paniniwalang kaya ko,
Panay luha sa gabi lang ang naibibigay ko,
Namimiss ko na sila,
Yung akala ko kaya ko talaga,
Mali pala,
Mali ako ng paniniwala,
Na kaya ko mag-isa,
Dahil sa loob ng puso ko mahal ko sila,
At kahit anong palo pa ang matanggap ko walang mababago dapat kase magulang ko sila,
Kaya mama pasensya sa pagsagot ko na walang katuturan,
Alam kong gusto kong lumaban,
Para ipagtanggol ang aking nalalaman,
Pero lagi nalan ako mali sa inyo kaya sige na akin na kayong pagbinigyan,
Dalawa!
Dalawang bagay yung pumasok sa isipan ko,
Lalayo?,
O mag e-stay sa magulang ko,
Pero napag-isip isip ko,
Na di ko dapat gawin ang bagay na naisin ko,
Magulang ko sila baliktarin ko man ang mundo,
Dapat sinusuklian sila ng pagmamahal at hindi katarantaduhan,
Mama pasensya na,
Ngayon ko lang napag-isipan na,
Isa!
Isa ka lang at wala kang katulad ina!,
Ikaw yung ilaw na ayokong makitang napupundi na,
Ikaw yung ilaw na gusto kong makita kahit maliwanag na,
Ikaw yung ilaw na ayokong patayin sa umagang may sikat na ng araw,
Ikaw yung ilaw ina na di ko kailanman hahayaang mawala,
Kahit magalit ka man,
Ina! Mama! Mahal parin kita!
••••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
![](https://img.wattpad.com/cover/148167995-288-k161379.jpg)
BINABASA MO ANG
"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"
Poetry"Para sa lahat ng Umiibig , Nasaktan , Naniniwala sa majika ng pagma-mahal , Takot mag-mahal , Gustong ma-inspired Pwedeng-pwede ka po dito dahil ang Spoken Word Poetry ko ay malayang mababasa mo para ma-inspired ka sa pang araw-araw ng buhay mo. Ka...