MAKATANG DINOSAUR POETRY #6

20 8 0
                                    

"MASAYA AKO SA INYO PERO MAS MASAYA SIGURO KUNG AKO PINILI MO!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
•••••
Isa , Dalawa , tatlo,
Tatlong taon na ang lumipas sa kwento,
Yung kwentong sinusulat ko na ang bida ay ikaw at ako,
Pero nauwi sa kayo,
Nakakalungkot man isipin pero ayun ang totoo,
Di ko na mababago,
Umasa kase ako sa isang tao,
Na dapat kaibigan lang din ang trato,
Pero di ko masisisi yung puso ko,
Nagmahal lang naman ako,
Kasalanan ko bang magkagusto ako,
Sa bestfriend ko?,
Alam ko naman na hindi to mali pero oo siguro nga tanga ako,
Kase mas pinili kong manatili sa kanya,
Kesa hanapin yung sarili sa iba!,
Naalala ko pa nga,
Nung sabay kaming pumapasok sa eskwela,
Bitbit nya yung ngiti nyang sobrang ganda,
Sabay sabing "Bes nahihirapan kana sa dinadala mo, akin na yan bubuhatin kona!",
Mga galawan nyang nagbigay sakin ng kung anong saya,
Sino ba naman di magkakagusto sa kanya,
Eh bukod sa may itsura,
Matalino pa,
Pero sa kahuli-hulian parin ng araw bestfriend parin ako sa kanya,
Saksi rin ako sa lahat lahat patungkol sa kanya,
Sa paraan na kung paano sya bustedin ng iba,
Sa iyakan dahil sa hiwalayan ng unang naging kasintahan nya,
Sa lahat-lahat ako ang sumusuporta sa kanya,
Minsan nga nagpaparamdam ako sa kanya,
"Bes andito pa naman ako , ako nalang kaya?",
Tatawa sya ng walang humpay!,
Kaya ako gagayahin sya at makikisabay,
Sabay kwento ulit ng kung ano-anong bagay,
Kahit ang totoo hindi talaga ako mapalagay,
Hanggang grumaduate kami sa unibersidad na pinapasukan namin ng bestfriend ko,
Ni walang atubiling tinext ko sya makaraan ang linggo,
Sambit ko na "Magkita naman tayo",
Nagreply naman sya at sumagot ng " OO!",
Sa ganap na alas-otso,
Muli nagtagpo ang mata namin sa parehong tagpuan,
Na sinimulan ng kwento,
"Bes may sasabihin ako!" Magka-sabay naming tugon sa isat-isa sa pwesto,
Kaya nanahimik ng ilang sigundo,
"Sige ikaw na mauna" Muling tugon nya,
Kaya sinabi ko sa kanya sa paraang maiintindihan nya,
"Bes' Alam mo bang gusto kita? Matagal na simula una palang nahihiya man ako aminin pero sana wag ka ng maghanap ng iba!"
Napansin ko nag-iba itsura nya,
At tinanong ko sya na ikaw diba may sasabihin ka?,
Napansin ko na may dinudukot sya sa bulsa nya,
Isang envelop na may nakasulat na~ Imbitado ako sa kasal nila,
"Bes kailan pa?" Tanong ko sa kanya,
"Simula nung second year matapos akong iwanan ng isa!" Tugon nya na medyo nalulungkot sa nangyayare sa aming dalawa,
"Ammm hahaha bakit di mo sinabi? Agad tinago mo pa sakin ng dalawang taon akala ko pa naman single ka!"
"Sorry pero sana makapunta ka! Sige na uwi nako!" Sambit nya at tumalikod na,
Ni wala akong nasagot kundi pagpatak lang ng luha,
Bakit ganon ako yung bestfriend nya pero wala akong alam na may bago sya,
Gusto ko pa sanang magtanong pero nakalayo na sya,
Kaya ako ito umuwing masakit ang puso,
At panay punas ng luha gamit ang niregalo nyang panyo,
Pagkatapos ng gabing iyon,
Isang taon muli ang lumipas at ito na ang kanilang pinakahihintay na selebrasyon,
Nagdadalwang isip kung pupunta ba ko o hindi na sa imbitasyon,
Pero dahil sa bestfriend na relasyon,
Nagsimula na kong magbistida,
Magkolorete at magpaganda,
"Okay lang masaya na ko! Best wishes bes" Sambit ko sa sarili sa harap ng salamin;
Dumating ako ng sakto paumpisa na,
Umupo ako sa duluhan para walang makakita kung bakit ako naluluha,
Alam kong ito na yung pinakahihintay ng bestfriend ko,
Kaya ang magagawa ko nalang suportahan ito,
Masaya na ko,
Masaya na ko habang hawak na sya ng iba oo ayos lang ako,
Pero bakit parang ang sakit,
Bakit parang nakakaramdam ako ng pait,
Ang daming naglalarong bakit,
Simula ng sabihing,
"Maari mo na syang halikan"
Teka!
Ano ba!
Tama na!
Ayoko na!
Akala ko ayos na kong makita sya sa iba pero bakit ang sakit pala,
Ang sakit ng katotohanang wala nang bestfriend ko,
Ang sakit ng katotohanang habang buhay bestfriend nalang ako,
Wala na yung taong mahal ko,
Inangkin nya na ang labi at halimuyak mo,
Putang ina! Bakit ganto,
Ang sakit sakit bakit di ako mapalagay sa kinauupuan ko,
Gusto ko pumunta sa harapan,
Sabay isigaw na itigil ang kasalan,
Bes naman,
Bakit hindi parin kita makalimutan,
Iyak na ko ng iyak simula pagpasok pa lang,
Gusto ko ng tumahan,
Pero paano kung yung taong mahal mo,
Kinakasal na pero sa ibang tao,
Nakakagago,
Ang sakit ng ganto,
Yung akala ko ayos lang yung makikita ko,
Nagkamali pala ako,
Patawad kung nagsinungaling ako,
Na MASAYA AKO SA INYO,
Dahil mas sasaya siguro ako,
KUNG AKO NALANG PINILI MO!
•••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry 💔

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon