MAKATANG DINOSAUR POETRY #19

22 2 0
                                    

"TAGU-TAGUAN TAYO NG NARARAMDAMAN."
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Para sa mga taong minsan ng napaglaruan •
••••••
Bes ano game kana ba?
Sumabay sa agos ng laro nating dalawa
Ako na ang magiging taya
Basta galingan mo lang sa pagtatago ng iyong nadarama!
Sabihin mo kong handa kana
Tatalikod na ko haharap sa pader at magbibiling na
Sabihin mo lang kung game na para hanapin na kita.
Game!?
Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Pati aking pagmamahal ay iyong hinakbangan
Wala sa likod , wala sa harapan
Pag kabilang kong sampu 
Itago muna yung tibok ng iyong puso.
Isa
Dalawa
Tatlo 
Apat
Lima 
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampo
Game!?
Bes nasan kana?
Hinahanap na kita
Nagsisimula na kong magpaka-tanga
Ang tindi naman ng pagkakatago mo
Nasan kaba?
"Bes nandito na ko save!"
Nakita kita sa pinanggalingang puwesto ko
Masayang nakangiti habang nakatingin saking puwesto
Kumakaway-kaway pa 
At ngayon ay tuwang-tuwa
Kase di ka magiging taya
At sa paglapit ko 
Hinawakan mo ang balikat ko
At sinabi mo
Ganyan talaga ang TAGU-TAGUAN NG NADARAMA
Di mo alam kong mananalo ka 
O matatalo ka
Pero bes may aaminin akong salita 
At gusto ko intindihin mo ang bawat letra
Huli na ang lahat para magkaroon pa ng "IKAW" at "AKO" 
Para may mabuo pang "TAYO!
Ang kupad mo kaseng maghanap
Ayan tuloy sakin ngayon ay meron ng nakahanap
Pero wag kang mag-alala bes dahil sa alapaap
Isusulat ko ang ating bagong PANGARAP.
••••••
- Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon