MAKATANG DINOSAUR POETRY #7

34 8 0
                                        

"BUHAY SERVICE CREW!"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
(Para sa lahat ng Service Crew)
•••••
Pasilay na naman ang umaga,
Tatama na naman ang sinag sa mata,
Makakaramdam na ang mga tao ay dumadagsa na,
Pila sa kanan~ Pila sa kaliwa,
Mabuhay take ko na po ang order nila,
Isang masayang pagbati ko sa isang estranghero,
Isang taong may buhat buhat na mga papeles at libro,
Isa yata syang mag-aaral ng pagiging abogado,
Kaya aktibong aktibo,
Sunod ko namang hiningian ng order ang isang babaeng may tatlong kargo,
Dalawang batang babae at isang binatang lalaki ng chinito,
Sumunod naman sa pila ay isang matabang lalake na manghihingi lang ng pa-refill sa baso,
Matapos mabigay ang gusto,
Kinuha ulit ang kasunod na order ng isang mamang naka-sumbrero,
Maganda umaga pagbati ko,
Isa syang matandang mainitin ang ulo,
Reklamo nya agad sakin pakibilisan nyo,
Dahil gutom na ko,
Hindi ako nagreklamo kaya ngiti ang sinukli ko,
Matapos ang lahat ng umoorder sa pwesto ko,
Nag-asikaso naman akong tulungan mag buss-out ang kasamahan ko,
Ligpit ng pinagkainan,
Tapon sa basurahan ng natirang laman ng pinggan,
Buhos sa plastik ng softdrinks na nasayang,
At punas ng lamesang naiwan,
Malapit na akong umuwi dahil ang oras ko ay hanggang alas otso lang naman,
Kaya naglinis na ng counter,
Nagwalis,
Nagpunas ng basang pinggan,
Alas otso na kaya nag pasya na kong magpaalam,
Maam uwi na po ako,
Tumango ito,
At agad na kong nag-asikaso,
Kinuha ang notebook sa bag ko,
Mabilisang nagpalit ng uniform sa kwarto dahil kapag tumuntong na ang alas diyes sa orasan ko,
Sentales na akoy huli na naman sa pinapasukan eskwelahan ko,
Ganto lagi ang eksena ng buhay ko,
Service crew sa gabi Estudyante sa umaga,
Napapagod ba ko?,
Oo nakakapagod din to',
Pero di ko kailangan mag-reklamo,
Kailangan kong kumayod dahil may pangarap ako,
Na kahit minsan nasisigawan ng costumer sa ibat-ibang punto,
Ayos lang alam ko naman na mali ko,
Pero minsan iniisip ko paano kaya kung bumitaw nalang ako sa buhay ko,
Ang hirap kase maging kalaban ang puyat at pagod sa kinahaharap ko,
Pero ayos lang lalaban ako,
May payo lang ako sa lahat ng costumer sa mundo,
Wag pong mainitin ang ulo,
Matuto rin po kayong intindihin din ang buhay ng mga kagaya ko,
Hindi porket service crew,
Mababa ng tao,
Dahil kung may mababa man dito,
Yung mga pag-iisip nyo,
Na walang ginawa kundi laitin ang mga kagayang crew ko,
Kahit nakikita nyo ang ngiti sa aming mga labi,
Wag nyo naman po sa ng samantalahin,
Dahil sa likod ng ngiti,
May nakatagong salitang paki-usap makibagay naman po kayo sa amin,
Oo! SERVICE CREW AKO,
PERO WALA KAYONG KARAPATAN PARA APAKAN O MALIITIN KUNG ANO AKO,
NGAYON ALAM KO NA~ NA HINDI TOTOO ANG SALITANG,
COSTUMER IS ALWAYS RIGHT!
•••••
-Makatang Dinosaur-
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry ❤

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon