MAKATANG DINOSAUR POETRY #10

26 5 0
                                    

"TORPENG MAKATA 💔"
Ni : Makatang Dinosaur 📝✨
• Para sa mga kagaya kong MAKATA na natatakot mag-labas ng tunay na nararamdaman •
••••••
"Ligawan muna kaya"
"Bagay kayong dalawa"
"Sige na baka maunahan kapa"
"Ikaw rin baka magsisi ka pag nasa iba na sya"
Ilan lang yan sa naririnig kong pag mo-motivate sakin
Pero yung gusto ko yung nasu-sunod parin
Di ko sila magawang intindihin
Dahil wala akong lakas ng loob para sabihin;
Sa taong napupusuan ko
Yung mga katagang nais bitawan ng labi ko
Nais iparating ng bawat pluma ko
Naturingan akong makata pero natatakot ako
Pinanghi-hinaan kapag luma-lapit sa taong gusto ko
Natu-tuliro kapag kinaka-usap ako
Panay ngiti ang sagot kaya kadalasan busted ako
Pilitin ko mang mag salita
Pero natatakot akong husgahan bigla
Natatakot ako na baka mauwi sa wala
Natatakot na baka di ko masabi ng tama~
Oo nga makata ako
Kadalasan papel at ballpen lang kausap ko
Matapang ako kapag naglalabas ng nararamdaman sa mga obra ko
Pero kapag personal na natutupi ako
Di ko alam bakit ganto?
Minsan natatawa nalang sa sarili
Ini-intindi bawat aking pag ngiti
Pag buka ng mga labi
Maski pag-hikbi
Dahilan para kiligin ng konti~
Isang araw sinubukan kong manligaw na naman
Dala ko isang batalyon kong kaibigan
Labing dalawa kaming nag-tungo sa isang tahanan
Dala ang nilumang gitara balak ko muling sumubok sa kapalaran
Pero di pa nakaka-apak sa bahay ng aking liligawan
Tagaktak na ang pawis sa aking uluhan
Senyales na ako ay kinakabahan
Kaya umatras ako at inaya ang barkadang mag si uwian,
Nasayang yung pag e-ensayo ko
Gamit ang makabagbag damdaming tula ko
Isang linggong nag-ensayo
Nauwi na naman sa pagiging kabado
Ang hirap pala ng ganto
Hanggang kailan ba ko ganto?
Tulungan nyo naman ako~
Oh kaya! Ako nalang ligawan nyo?
Hahahaha binibiro ko lang kayo~
Sa biro ko nalang dadaanin
Lahat ng maari kong sabihin
Sa biro na may taong pwedeng kiligin
Haist! Sana naman sakin may pumansin narin~
Tutuldukan ko na aking tula
Mag sa-sanay nalang muli ako kapag kaya ko na;
Kaya ko ng manligaw mag-isa,
Kaya ko na talagang tumula ng hindi nahihiya,
Kayang harapin ang nili-ligawan ng hindi napapa-nganga,
Kapag kaya ko narin pumunta ng walang kasamang barkada,
Sana bukas mawala na
Yung sakit kong ganto na natural naman talaga
Ang hirap naman kase pala
Kapag isa kang ~ TORPENG MAKATA.
•••••
-Makatang Dinosaur -
Las Piñas City
2018
#SpokenWordPoetry ❤

"BOOK ONE : ISANG DAANG MGA TULA NG DINOSAUR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon