Chapter 1: The Island

477 23 2
                                    

Guilty!'

"Ikaw ay hinahatulan ng panghabang buhay na pagkakulong"

Parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Isabay pa ang malalakas na sigawan ng mga taong saksi sa paglilitis sa kaso.

Napakuyom ako sa aking kamao. Bakit pa ako lumaban kung alam ko naman na ito ang magiging kahihinatnan? Kailan man ay hindi mananalo sa isang kaso ang dukhang tulad ko. Walang maitatapong pera sa magagaling na abogado ng bansa at walang pangsuhol sa maghuhukom.

Napatitig ako sa posas sa aking kamay at kadena sa paa. Napatawa ako ng mapait. Wala pang mas masakit na sarili mong pamilya ay tinalikuran ka at ang abogadong tanging pag-asa ko ay dinumihan pa ang ebidensiya na magpapatunay sa lahat.

Naramdaman ko ang pagbaba ng sinasakyang helicopter kung saan dadalhin ako sa bilangguan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'kin na habang buhay akong makukulong sa gitna ng mga rehas edi sana hindi ko pinasok ang gano'n trabaho.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkuyom ng aking kamao. Hindi alintana ang dalawang sundalo sa magkabilang gilid. Nakasabit sa kanilang bewang ang ilang piraso ng bomba at bala na nasa kanilang bulsa. Idagdag pa ang malaking baril na hawak nila.

Naging maingay ang paligid at para akong nawalan ng pandinig nang lumapag na nga ang aming sinasakyan.

Binuksan ng dalawang sundalo ang pinto at hila-hila akong inilabas na walang kahit anong dalang gamit kundi sarili ko lang. Tanging presong damit ang suot ko at sirang sapatos.

Bumungad ang malakas na simoy ng hangin ngunit nanlaki ang aking mata nang tumambad ang napakataas na pader na halos 'di ko na matanaw kung saan ang hangganan nito. Maririnig ang malakas na alon sa kabilang bahagi ng pader na gawa sa matibay na laryo.

Nasaan ako?

Anong klaseng lugar ito?

Napalingon ako sa dalawang sundalo nang pumasok sila sa helicopter at iniwan ako.

"Hoy! Hindi nila ako pinansin at mabilis na lumipad pataas. Napalingon ako sa paligid ngunit tanging mga puno lang ang aking nakita. 

Bilangguan ba to?

Narinig ko ang ingay ng mga hakbang na papalapit. Isang grupo ng mga kalalakihan na may dalang malalaking armas, tinutok nila ito sa'kin.

"Huwag kang gagalaw!"

Walang gana kong itinaas ko ang dalawa kong kamay. Ilang ulit na ba akong natutukan ng baril? Hindi ko na ata mabilang, sanay na akong palaging ganito ang senaryo.

"Bago ito, boss. Ngayon lang tayo magkakaron ng preso na ganito ka kisig at gwapo."

Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong nilalang. Lumapit sila at kinapkapan ako. "Clear!"

Bigla nilang nilagyan ng pampiring ang aking mata at naramdaman ko nalang ang pagtaas ko sa ere at kinarga na parang sako.

"Ibaba mo ako." Pumipiglas sa mahigpit na pagkakahawak nito sa sa'kin.

"Huwag kang malikot binata at baka ako mairita sayo at 'di ka na makakaabot sa panghabang buhay mong selda." Napatikom ako ng bibig. Narinig ko pa ang mga tawanan nila at asaran.

"Hoy," may tumapik sa aking pwet na ikinagulat ko. 

"Alam mo ba kung saan ka ngayon? Nasa isla ka kung saan walang nakakatakas at hindi na makakabalik sa Pilipinas!" Nagtawanan naman sila. May bilangguan pala ang Pilipinas na nasa iisang isla?

Bakit wala walang alam ang mga tao tungkol dito? Wala pa akong naririnig na may pasilidad sila sa mga presong tulad ko?

Narinig ko ang ingay ng makina ng sasakyan.  Saan ba nila ako dadalhin? Habang umaandar ang sasakyan ay mas lalong maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan.

THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon