Isang pito ang nakagising sa buo kong sistema at sinundan pa ng sunod-sunod na kalabog ng mga pinto sa selda. Dali-dali kong inayos ang sarili at lumabas. Ngunit sumalubong sa'kin ang isang malakas na suntok sa tiyan.
"Aray!" Napasalampak ako sa sa sahig.
"Ikaw ang pinakahuli kaya bugbog ang sasalubong sayo." Napaangat ako ng tingin at ang walangyang Heneral pala ang nanuntok sa tiyan ko. Kung pwede ko lang siyang patulan ginawa ko na. Di ko nalang siya pinansin at pamatay maling tumayo papunta sa hilera ng mga kasama ko.
"Di pa ako tapos sayo!" Napatigil ako sa paghakbang at lumingon sa kaniya.
"Ako ba ang tinutukoy mo?" Kulang nalang ay barilin niya ako sa harap ng lahat sa galit na makikita sa kaniyang mukha.
"Ginagago mo ba ako?"
"Ano sa tingin mo?" Kahit sa ganitong paraan lang makaganti rin ako.
Maglalakad sana akong muli ng dumating si Boss. Ngunit mas nakakatakot ang dating niya ngayon.May nangyari ba? Dumapo ang kaniyang tingin sa'kin ngunit inismaran lang ako at nilagpasan. Di na akong nag-abala pang lumingon sa kaniya at baka iba ang makita ng dalawa kong mata. Palihim akong napakuyom ng kamay. Lintik lang ang walang ganti sa taong inapi!
Nasa pinakahuli akong hilera at ramdam ang tingin ng aking mga kasama. Bahala sila diyan basta tuloy parin ang plano at sisiguraduhin kong kahit hibla ng buhok nila walang maiiwan dito. At yung pahawak-hawak niya sa buhay ko? Naku,sisiguraduhin kong magsisisi yan at luluhod sa harap ko. Madamot akong tao, wala sa kalikasan ko ang may kahati.
Hinati kami sa ilang grupo para pagsilbihan ang mga marine. Isang presong sa isang iglap naging alipin nila. "Ayusin mo ang pagkakalinis!"
Isang batok ang natanggap ko. Pinalinis lang naman ako sa silid na tinutuluyan at pansamantala ko daw siyang amo.Kuskos dito kuskos doon. "Bakit ang dumi pa! Napadaing ako sa malakas niyang sipa.
Inhale,exhale. Patience is a virtue.
Nagpatuloy ako sa paglilinis. Di ko alam kung nasaan sila Six at ang iba. Si Boss naman parang wala lang sa kaniya ang ginagawa nilang pahirap sa'min, siya pa naman ang Warden. Hinayaan niyang mamuno sa sarili niyang teritoryo ang mga tagalabas.
Walang kwentang!"Nakatulala ka naman!" Sunod-sunod na suntok at sipa ang natanggap ko hanggang napaubo na ako ng dugo.
Patience is a virtue! Pinagpagan ko ang mga unan at pinalitan ng bagong punda. Kinuha ko ang mga supot ng gagamba at mga alikabok sa bawat kanto.
"Bitawan niyo sila!" Isang malakas na boses ang dumagundong kaya napalabas ang amo ko sa silid. Anong nangyayari?
"Walangya kayo, wag niyo silang gagalawin!" Marinig ko iyon ay kapa-kapa na akong lumabas at tumambad si Six at ilang kasama ko habang pilit na kinukuha ang ilang babaeng staffs at ang mga nurse.
Hinaharangan ito ng mga marine na may ngiting malademonyo. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito."Ibalik niyo sila!" Pinapangunahan ito ni Six na nangagalaiti na sa galit.
Nasaan ba si Boss? Nilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala siya. Sa mga panahon na ganito siya lang ang pwedeng pumigil."Zero!" Tinawag ako ni Six, may pagmamakaawa sa kaniyang titig. Hindi pa sigurado kong napagtagumpayan ni Five ang inutos namin sa kaniya. Kahit ako walang kaya kung ganito naman kadami ang kalaban.
"Don't touch me!"
Napalingon ako sa gawi ni Mary kung saan sapilitan itong hahalikan ng isang sundalo,walangya! Susugod na sana ako ng sa isang iglap ay nakawala na si Six sa pagkakaharang ng kalaban at mabilis na sinuntok ang lalaking namolestiya kay Mary. Sinundan na ito ng iba at nakirambol na din. Nasimulan na kaya dapat ipagpatuloy. Kinalabit ko ang walangyang bumugbog sa gwapo kong mukha. Sinuntok ko siya sa panga at sinundan pa ng ilang sipa at tadyak. Wala akong pake kung ano mang mangyari matapos nito basta makaganti lang ako.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...