Chapter 12

130 12 1
                                    

"Thirteen, pangit ba ako?" Tinitigan niya muna ang mukha ko bago sumagot.

"Hindi naman."

"Di ba ako charismatic?" Hinawakan niya ang pisngi ko at ginalaw ito kanan to pakaliwa.

"Ang lakas kaya ng karisma mo."

"Maganda naman ang mata ko diba?"

"Oo, ganda kaya ng kulay ng mata mo gray."

"Kissable ba ang lips ko?" Nung sinabi ko na hahalikan ko siya di naman lips ang lumapat sa labi ko kundi sapatos. Parang nagdalawang-isip pa siyang sumagot.

"Medyo."

"Mataas naman ang ilong ko diba?"

"Oo."

"May abs naman ako kahit papaano. Maganda naman ang built ng katawan ko. Saan ako nagkulang?" Kunot noo akong tinitigan ni Thirteen.

"Kailan ka pa naging ganyan sa katawan mo?"

"Kamakailan lang." Kahit ang totoo kanina lang.

"Diba ako ang pinakagwapo sa ating lahat dito?" Bigla niya akong sinuntok, walanjo!

"Gumising ka sa kahibangan mo. Lakas rin ng bagyong dala ng katawan mo. Hiyang-hiya talaga kami. Lamang kalang ng isang paligo, wag mong i-feel masyado, mahiya ka naman ng kahit konti!"
Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. Ang highblood naman nito.

"Sorry." Muli akong nagtanong sa kaniya. "Kung babae ka mahuhulog ka ba sa'kin?" Isang malakas na batok naman ang natanggap ko sa kaniya.

"Ulol ka ba. Anong akala mo sa'kin babae kung mag-isip? Itatanong mo ba naman 'yan sa kapwa mo lalake. Patayin kita diyan eh! Di ako si Six, siya yung tanungin mo malamang 'Oo' ang isasagot niya sayo."

Napahalumbaba nalang ako sa mesa. Wala talagang puso ang babaeng yun. Mamamatay muna ako bago ko itanong ang bagay na iyan kay Six baka kasi hindi pa siya sumasagot gagahasain na niya ako agad. Iba pa naman ang takbo ng utak ng baklang yun.

"Di ka ba babalik sa clinic?" Umiling ako. Ano pa ba ang gagawin ko doon? Isa pa baka may lumipad na naman na sapatos sa mukha ko.

"May nangyari ba sa pagitan ninyo ni Boss?" Muli kong naalala ang napakasakit na salita na binitiwan niya. Sa gwapong kong ito hinindian niya? "May nangyari nga di ka makasagot ehh?" Di ko pinansin si Thirteen mas pinalalala niya ang nararamdaman ko. Tagos na tagos kasi ang sinabi ni Boss."Binasted ka noh?"

Napatayo ako sa aking kinauupuan at masama siyang pinukulan ng tingin. May ngiti pa siya sa labi na parang siguradong-sigurado sa kaniyang hula. Walangya na asinta ng pangit. "Hindi!" Padabog akong bumalik sa selda habang rinig na rinig ang malakas niyang tawa.

Ilang saglit may malakas na katok aking narinig. "Lumabas ka diyan, nandito si Boss may sasabihin siya." Boses palang alam kong si Seventeen iyon.

"Sabihin mo di maganda ang pakiramdam!"

"Takte, lumabas ka diyan nangangapoy na ang ilong niya. Kung ayaw mo free naman daw siyang lasunin ka!"

"Sabihin mo namatay na!" Di ako magpapatalo sa babaeng yun, kahit Warden pa siya dito.

"Ulol! Lumabas ka na diyan kung ayaw mong baril na niya ang tatapos sayo."

"Sabihin mo matagal ng patay."

"Wala ka daw kandila o kape man lang sa lamay mo!"

THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon